Chapter 8: Visions

5 1 0
                                    

Chapter 8: Visions

Hindi ko namalayan ang oras sa loob ng library, kaya paglabas ko ay madilim na. Matagal na pala ako doon at nakalimutan ang pagkain ng tanghalian.

Sa dorm ko nalang napagpasyahang kumain kaya doon na ako dumiretso. Pagpasok ko ay nandoon na si Ynah. Mukhang kadarating palang din niya dahil hawak- hawak niya pa ang kanyang cloak. Mukha siyang nanghihina at pagod at pagod.

"You okay?" Tanong ko agad pagpasok ko.

Nagulat siguro siya sa pagsulpot ko kaya nabitiwan niya ang hawak niyang cloak.

Pagod lang." Matamlay na ngiti ang isinukli niya sa akin, malayong malayo sa mga ngiti niya nang nakaraan.

"Saan ka ba galing?" Nagtatakang tanong ko.

"Mission."

Dun ko naalala kung saan ginagamit ang cloak. For missions nga pala. Pero anong klaseng misyon iyon at grabe ang panghihina niya?

Kaya ba wala masyadong tao kanina dahil ipinadala sila sa isang mission?

Humawak si Ynah sa kamay ko bilang suporta niya. Labis ang pagkabigla ko ng may naramdaman ulit ako, may nakita ulit ako.

Nag panic ako at hinanap ang sugat sa katawan niya. She's bleeding for pete's sake!

Nagawa niya pang ngumiti ng nakita ang nagpa- panic na mukha ko.

"Relax, it will heal on its own. I'm a healer, remember?" Sabi niya sa akin.

Pero iba ang nakita ko ng hawakan niya ako kanina. Maaari siyang mawalan ng malay pag hihintayin niya lang na maghilom ang sugat na iyon! Wala na siyang lakas para doon! Pero ang hindi ko maintindihan ay mas lumala ang kalagayan niya dahil nandoon ako!

"Dapat nga wala na ito, eh. Pero tumigil amg paghilom nang dumating ka. Haha, may ginawa ka ba?" She said.

"Wala akong panahon para samahan kang tumawa ngayon, Ynah." I said.

Alam kong pinapagaan niya lang ang atmosphere sa pagitan namin, pero tumatak sa isipan ko ang huli niyang winika.

Ngayon ay isa lang ang nasa isip ko. Kailangan kong madala siya sa clinic ng paaralang ito or whatever they call it here! Kakayanin ko sanang mag isa siya, pero hindi ko din naman alam kung nasaan iyon.

"Sandali, dito ka lang." Sabi ko at agad na lumbas para humingi ng tulong.

Mas lalo lang akong kinabahan dahil paglabas ko ay walang tao na pagala gala sa dormitoryo! Dun ko naalala na gabi na at baka nasa loob na sila ng kani- kanilang kwarto.

Alam kong kapag nag aksaya pa ako ng oras ay maaaring mawalan nang malay si Ynah kaya bumalik nalang ako sa loob. Ako nalang ang magdadala sa kanya doon, siguradong alam naman niya ang daan patungo doon.

Pagpasok ko ay nagulat ako sa nadatnan ko. Wala nang mababakas ng kahit anong sugat sa katawan niya!

"Sabi ko na kasi sayong maghihilom ng kusa, eh." She said then winked at me.

Ang kaninang matamlay na mukha ay napalitan na ngayon ng mapaglarong Ynah, her usual jolly self.

Paano nangyari iyon?

Naguluhan ako. Bakit ganoon? Sigurado ako sa nakita ko kanina sa kanya. Bakit umalis lang ako ay naghilom agad ang mga sugat niya?

Parang nag- echo naman bigla sa isip ko ang sinabi niya kanina. "Hindi ko alam kung bakit tumigil ang paghilom nang dumating ka."

Dahil nga ba sa akin iyon? Pero bakit? Paano?

Nawalan siya ng malay at nandoon ako para tulungan siya, iyon ang nakita ko. Kaya ba walang nangyaring masama sa kanya ay dahil iniwan ko siya?

Bigla akong natakot sa sarili ko. Ibig ba nitong sabihin ay kapahamakan ang dulot ko sa iba?

Nadagdagan na naman ang katanungan sa loob ko.

Alam kong dapat kong ikatuwa ang nangyari sa kanya, pero hindi ko iyon maramdaman bagkus takot at pagkalito ang nararamdaman ko sa sandaling ito.

Ito ang unang beses na may nakita ulit ako. Pilit kong inalala ang unang beses na nangyari ako, the first time I saw visions of what will happen.

The first time was when Ynah, also, wounded herself just to show her ability, then the vision of the junior who slipped near the stairs. Ang huli ay nang iniwasan ko ang atake ni Ian sa akin.

Inisip kong mabuti ang common sa kanilang lahat. Baka sakaling malaman ko ang dahilan kung bakit sa mga sitwasyong iyon ay may nakita akong mga imahe.

As I think about them, realization dawned on me. Nasapo ko ang bibig ko sa naisip na dahilan.

"Huy, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Ynah.

Nakalimutan ko nang nadito nga pala siya sa kwarto. Tumango ako dumiretso sa kusina, malayo sa paningin niya.

Hindi nawala ang aking abilidad. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng mangyayari sa ibang tao ay dahil malapit iyon sa kapahamakan.

Puro kapahamakan ang  kadalasang nakikita ko. Hindi ko aakalaing ikakatakot ko ang pagkakaroon ng ganitong abilidad.

Yes, I can see someone's future, if and only if it means danger for them.

I can sense danger.

***

UnknownWhere stories live. Discover now