Chapter 1: Admitted

14 4 0
                                    

Chapter 1: Admitted

Dala dala ko ngayon ang admission slip na binigay sakin ni mama. Malapit na ang pasukan at senior high na ako. Si mama ang naghanap ng papasukan ko, kaya eto ako ngayon at naghihintay sa tren na sasakyan namin papuntang paaralang iyon.

Wala naman akong pakialam kung saang paaralan ako papasok dahil parang kahit saan ay hindi ako nabibilang.

Dapat ay last week pa daw ako pupunta doon pero naaksidente ako. I was involved in a car accident days ago.

Ilang beses akong nagtransfer ng school ng junior high ako dahil palagi akong outcast samin. Hindi ko alam pero parang ilag ang karamihan pagdating sakin. Madalas akong pinagtatawanan dahil naiiba daw ako. Hindi ko naman mahanap ang sinasabi nilang kakaiba dahil hindi ko talaga alam kung ano iyon kaya hindi ko nalang pinansin. Nasanay na ako na palaging ganun kaya wala na akong paki kung saan man ako mag aaral ngayon.

Walang nakalagay na pangalan ng paaralan kaya nagtataka ako. Pero kasi sabi ni mama ay ganun daw talaga kasi private school daw ang papasukan ko kaya hindi na ako nagtanong pa.

Naglingon lingon ako sa paligid ko. Bilang lang ang mga estudyanteng narito. Kagaya ko ay admission slip lang din ang dala nila.

Ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na ang tren na sasakyan namin. Pumasok na kami sa loob. Nakakapagtataka dahil napakalawak ng loob gayong hindi naman siya kalakihan pag tiningnan mo sa labas.

May kanya kanyang cubicle ang bawat estudyante sa loob ng tren. Hinanap ko ang para sa akin.

"Scott, Mia." Basa ko sa pangalan ko na nakapaskil sa harap ng isang bakanteng cubicle.

Pumasok ako doon at laging gulat ko ng makita ang mga gamit ko na naroon. Bakit nandito ito? Anong ginagawa ng mga gamit ko dito?

Andaming pumasok na tanong sa isip ko ng makita ang halos lahat na damit ko sa bahay. May note na nakalagay sa ibabaw ng maleta ko kaya kinuha ko iyon.

"Mia, anak, mag ingat ka sa paaralan na iyon. Alam kong naguguluhan ka ngayon, pero sana magtiwala ka lang sakin. Alam mong hinding hindi kita ipapahamak diba? Nabibilang ka sa mundong iyon anak. Kilalanin mo ang sarili mo, anak. Mahal na mahal kita."

- Mama.

Napaluha ako ng nabasa ko ang sulat na iyon. Alam kong sa simula palang ay may mali na sa paaralang papasukan ko, pero hindi na ako nag abalang magtanong dahil alam kong hindi ako ipapahamak ni mama.

Umupo nalang ako sa single seater na couch sa loob ng cubicle na iyon at tiningnan ang aming mga nadadaanan.

Puro rice fields ang nakikita ko. I wonder kung saan kami dadalhin ng sasakyang ito. Lumapit ako sa may bintana at laking gulat ko na pinto pala iyon! Binuksan ko iyon at napangiti ng makita ang mini balcony doon.

Humawak ako sa railings at dinama ang lamig ng hangin na dulot ng mabilis na takbo ng sasakyan.

Nang magsawa ay pumasok ulit ako loob. Pinikit ko ang mga mata ko at umaasang paggising ko ay panaginip ito.

"You have reached your destination."

Napamulat ako ng marinig iyon. Nakatulog ako sa byahe at di ko namalayan na madilim na. Ganun ba talaga kalayo ang paaralang ito?

Kinuha ko na ang maleta at bag pack ko at lumabas na kasama ng mga estudyanteng nasa loob niyon.

Isang gubat ang bumungad sakin paglabas ko. Naglalakihang mga puno, at huni ng mga ibon. Nasaan ang paaralan dito? Nagtataka, pinagmasdan ko ang paligid.

Mas lalo akong nagtaka ng wala man lang takot sa mga mukha ng mga kasama ko. Bakit parang ako lang ang nagtataka dito?

"Bago ka ba?"

Napatalon ako ng may nagtanong sakin.
Isang babaeng may kulay brown na buhok ang lumapit sakin.

Napatango ako. Gustuhin ko mang magsalita ay walang gustong lumabas sa bibig ko.

"Weird. Ano ang kaya mong gawin?" Tanong niya ulit.

Huh? Kayang gawin?

"A...ano ba ang da...da.pat gawin?" Kinakabahang tanong ko.

"I mean, what do you have?"

Sasagot pa sana ako ng biglang may umilaw sa kung saan. Ang kaninang madilim na paligid ay biglang lumiwanag.

Nakakatakot, yan ang unang naisip ko.

Tumingin ako sa likuran dahil doon nakatingin ang karamihan.

W-O-W!

Saan galing iyan?

Nagkaroon bigla ng napakataas na gate sa harapan ko. Wala akong maalala na merong ganito kanina. May dalawang lamp post sa gilid ng mataas na gate iyon.

Biglang bumukas ang gate at pumasok ang karamihan sa loob kaya sumama na din ako.

"Where am I?"

***

UnknownDove le storie prendono vita. Scoprilo ora