Chapter 23: Confused

1 1 0
                                    

Chapter 23: Confused

"Huh?"

Kanina pa ako kinakausap ni Carol pero hindi man lang ako maka relate sa sinasabi niya. It's either I don't really understand what's she's saying or I wasn't really paying attention, at all.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "What really happened yesterday?"

Wala akong pinagsabihan ng nangyari sa akin kahapon. Wala ring sinabi si Dean tungkol doon and I was thankful for that. I'm a already a nuisance, and I don't want to add up anymore. Hiyang hiya na ako.

"You were so flushed when you returned from the dorm." She sighed, again.

They also have no idea that Dean's with me yesterday... That Dean hugged me yesterday... That Dean saved me. Ayaw ko na ring isipin iyon dahil alam ko namang nadala lang sa sitwasyon si Dean. Hindi niya sinadya iyon... That wasn't intentional... No feelings involved.

Magkasama kami ngayon ni Carol sa Dining hall. Pinili kong hindi sumabay kanina sa grupo dahil hindi ko makayanan ang presensiya ni Dean. Akala ko ay ako nalang naiwan sa dorm pero laking gulat ko nang makita si Carol na naghihintay sa paglabas ko. Sa dorm nalang sana ako kakain dahil akala ko bawal nang pumunta sa Dining Hall pero hinila niya ako papunta dito. Right, the perks of becoming one of the AC.

"Busog na ako." Tumayo na ako at nauna nang maglakad kay Carol para iwasan ang iba pang tanong niya. Naramdaman ko ding sumunod siya kaya nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Napahinto ako bigla nang makita si Dean na naglalakad papunta sa direksiyon ko. Akala ko ay sa akin ang tungo niya kaya tumalikod na ako at naglakad sa ibang direksiyon palayo sa kanya. Nakarating na ako sa dorm nang marinig ko ang boses niya.

"You are avoiding me."

Umirap ako nang marinig ang mababang boses niya. Alam kong sinusundan niya ako kanina pa pero hindi ko pinansin dahil akala ko ay titigil din siya.

His scent filled my nose when he closed the door behind him. Humalukipkip siya sa harapan ko at mataman akong tiningnan.

My breathing heaved when I felt him near me. After the close contact with him yesterday, I decided to keep a distance between us. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na mapalapit sa kanya, not even an inch.

"Stop." Pigil ko sa kanya nang hahakbang pa sana siya para mas mapalapit sa kinatatayuan ko ngunit hindi niya sinunod. I realized yesterday that Dean's effect on me was dangerous yet satisfying. And that scared me the most.

I knew I was attracted to him. I knew I was falling for him. And I knew I need to stop what I am feeling.

"Why are you avoiding me?" Matigas na saad niya na ngayon ay sobrang lapit na sa akin. Nakayuko lang ako at hindi na nag abalang tingnan ang mukha niya.

"Look at me." Utos niya. Hindi ako gumalaw para tingnan siya kaya nilagay niya ang kamay niya sa may panga ko at inangat para magtagpo ang aming mga mata.

Napapikit ako nang maramdaman ang pagdampi ng balat niya sa mukha ko. Hinaplos niya iyon kaya mas lalo akong napapikit. By now, I know he already knows his effect on me—how his touch affects my system. Parang may kung ano sa tiyan ko na nagdiriwang dahil sa paghaplos niya.

"I said look at me." Napilitan akong imulat ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Napatitig ako sa mga mata niya.

He stared at me darkly. Kumalabog ang puso ko dahil sa bigat ng titig niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya umawang ang labi niya.

"Why are you avoiding me?"

"I'm not avoiding anyone." Tanggi ko.

He chuckled but there was no humor on his face. "Really?"

Iniwas ko ang tingin sa kanya pero mabilis din niya ibinalik ang paningin ko sa kanya dahil naroon pa rin pala ang kamay niya sa panga ko.

Fuck, Dean. You're making it hard for me!

Lumayo ako nang bahagya pero nagulat ako nang hindi ko man lang magalaw ang katawan ko. I can't move!

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking madilim ang tingin na nasa harapan ko. This manipulative freak!

"Stop confusing me Dean. Please!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw. The way Dean acts these days confuses me to bits! I don't want to assume things but he's making me do it!

Umigting ang panga niya. He looks pissed but I don't care. I choose not to care. Masyado nang magulo ang utak ko kaya hindi ko na kailangan dagdagan pa.

Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko pa rin magawa. Nanatili ang kanyang madilim na tingin sa akin pero wala na akong pakialam doon. Ang gusto ko lang ay makawala sa mga tingin niya at makalabas ng kwartong ito. The dorm seems too small for the both of us!

Narinig ko ang malalim niyang paghinga at unti unti ko nang naramdaman ang katawan ko. Lumamlam ang tingin niya nang lumayo ako sa kanya. Tumalikod na ako at umambang bubuksan ang pintuan.

"Stop making me think that you care, Dean." Bulong ko pero sapat na para marinig niya.

Natawa siya ng mahina, but this time, it looks real. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam ang ekspresyon niya.

"But I'm confused too, that's why I'm letting you go this time. I'm already at the edge of knowing what this is, and when that time comes, I won't let you go anymore."

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Nov 25, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

UnknownWo Geschichten leben. Entdecke jetzt