"Well..."I shrugged my shoulders."Paano pala kayo nakapasok dito?"

"Binigay ni Aaron ang susi."sagot ni Eron.

Tumango ako.

"Talaga bang aalis ka na sa grupo?"Speed asked again.

"I'm sorry, Speed."I sighed.

"Alam ko naman na makakasama sa baby mo. But you don't have to quit."he shooked his head."You already won. And you are all over the news. Just let the people remember you as the champion of the world racing tournament."

"We're not leaving you, Raze. Kasama mo kami."Aries nodded.

"Oo nga! Magiging ninong kami ng anak mo!"si Eron.

"At anong ituturo niyo sa anak ni Raze? Mga kalokohan?"singit ni tito Lar na kadarating lang.

Napalingon ako sakanila ni Aaron.

"Sorry. Inayos pa namin ang press."tito Lar explained.

"Nagpaorder na ako ng pagkain. Hindi na muna engrandeng selebrasyon dahil  bawal kay Raze ang mapagod lalo na sa  kalagayan niya ngayon."Aaron informed us.

"Tito Lar, naman."sumimangot si Eron."Syempre tuturuan naming maging mabuting bata ang anak ni Raze! Nung bata naman ako mabait ako e naimpluwensyahan lang talaga ako nila Speed kaya nung lumaki naging ganito na ako."umiiling-iling pa na dagdag niya.

"Siraulo ka pala e!"tapos binatukan siya ni Speed na ikinatawa naman namin.

"Aray ang sakit nun ah!"angal ni Eron kay Speed."Pero seryoso nga, Raze huwag mo sanang ilayo ang anak mo saamin. Gusto kong umattend ng binyag at maging ninong niya. Ngayon palang excited na ko. Bibili ako ng damit ng bata. Sana lalaki ang maging anak mo!"

"Sana huwag mamana ang ugali ng tatay!"si Speed na tumawa.

"Ipagpray mo!"dagdag naman ni Aaron at nakitawa na din.

"You guys are all crazy."napapailing-iling na komento ko.

"Bakit? Ayaw mo ba nun? May second lolo na siya."si Speed sabay lingon kay tito Lar."Tapos may apat na tatay pa."sabay turo kila Aaron, Aries, at Eron.

"Ano pa bang hahanapin ng baby mo, Raze? Nasa amin na ang lahat. Kumpleto na. Hindi na niya kailangan makilala kung sino ang tatay niyang gago!"Speed laughed.

"But don't you think Greg deserve the truth? About his child?"Aries asked seriously.

Napabuntong hininga ako.

Kasal na sila ni Sabrina at ayoko na ng gulo. Gusto kong bigyan ng magandang buhay ang anak ko at alam kong kaya ko siyang buhayin kahit wala ang tulong ni Greg.

At ayoko ng magkaroon ng kahit na anong connection kay Gregory maliban sa anak namin. Greg doesn't need to know the truth.

"It's still her choice."si Aaron ang sumagot at bumaling saakin.

Matagal bago ako nagsalita."Hindi na niya kailangan malaman."umiling ako."Hindi na kailangan malaman ng mga Versalius na isang Versalius din ang batang dinadala ko."

They all nodded at me."We respect your decision."si Aries."Pero paano pag lumabas sa press ang balita na buntis ka? At tanungin nila ang ama? Ang alam nila kayo pa ni Greg..."

"I don't know."umiling ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi ibinalita ang kasal nila Sabrina. Siguro ay gusto nila ng private wedding. I really don't know why at ayoko na ding alamin pa.

Tungkol naman sa kaso ng nangyare kay papa. Ang mga pulis na ang umaasikaso noon at si tito Lar. Muling nabuhay ang inbestigasyon tungkol sa car accident na kinasangkutan ni papa. Sa ngayon focus ko muna ang anak ko. At makakasama sakanya kung maiistress ako.

"Awat na muna sa problema."si Eron.

Napalingon kami ng may biglang nagdoorbell.

"Baka iyong delivery."si Aaron at siya ang nagbukas ng pinto pero hindi delivery man ang bumungad saamin kundi si...

"Vince?"

"R-Raze..."he smiled at me.

"Hey,"nginitian ko din siya.

Matagal din kaming hindi nagkita at nagusap.

"Anong ginagawa mo dito?"I asked him.

"Ah. Nanuod ako ng laban mo."napakamot siya sa batok na parang nahihiya."Gusto sana kitan batiin ng personal kaya nagbakasakali ako na baka andito ka? Pinuntahan kita sa penthouse ni Greg pero wala ka naman doon kaya..."

"Baka si Vince talaga ang end game mo?"singit ni Speed na nakadungaw saaming dalawa ni Vince.

Hindi ko alam kung sasaktan ko ba siya o matatawa na lang.

"Ah. Yeah. Dito na ulit ako muna kay Aaron. Halika pasok ka."binalik ko ang tingin kay Vince.

"Puwede ba?"he asked uncertainly.

"Oo naman!"

UntamedWhere stories live. Discover now