Panimula

36 20 4
                                    


Disclaimer:

This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents, are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events , places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Plagiarism is the representation of another author's language, thoughts, ideas, or expressions as one's own original work. In educational contexts, there are differing definitions of plagiarism depending on the institution.

PAALALA

1) Plagiarism is a CRIME ! Plagiarize this and you will be a criminal.

2) HAMBOG ang author, nagmana sa kanyang idol*(insert Maxinejiji)*

3) Nakakabaliw ang kwento
Bawal simulan kung hindi tatapusin *(charot)

4) Maraming typo
(pasensya naman at hindi ako perpekto and besides ito ang aking unang kwento )

5) Hindi perpekto ang grammar
( pag may mali, e di itama mo sa isip mo!
charot ...sorry for the errors, dyosa lang...este tao lang hahahha)

____________________________________

They say pain will vanish after some time but I always end up disagreeing that idea as times go by. No matter how hard we try to fool ourselves, we cannot elude from the fact that this is this and that is that.
I never thought that at the young age, I would be living my life all alone. Who would really believe that other people thinks that they have the rights to take someone's life? What right do they have to kill? What right do they have to murder my parents?
That night, that long night that made me loose my sanity.
Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para gumawa ng masama. Sinikap nilang ilagay ako sa tama. Pinalaki nila akong may takot sa Diyos, ngunit noong araw na masaksihan ko ang kalampastanganang ginawa sa pareho kong magulang ay naglaho lahat ng kababaang loob na meron ako. Nalimutan ko lahat ng aral na tinuro sa akin. Naging laman ng isip ko ang maghiganti. I want revenge. And I will avenge their death. I'll make that justice go to my hands itself.
Pagbabayaran nila lahat. At sisiguruhin kong luluhod sila sa harap ko para sa mga buhay nila.

Flashback

"Anak, san mo gustong kumain?" nakangiting tanong ni Mommy habang nililingon ako sa passenger's seat.
"Kahit saan Mommy, masaya na 'ko na kasama ko kayo ni Dad ngayong 12th birthday ko. Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya ngayon.", nakangiti ko ring tugon.
Palagi kasi sila sa abroad kaya mula no'ng 8 years old ako ay hindi ko sila nakasamang mag-celebrate. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang.........

"Kumapit kayo! Kumapit kayo! Wala tayong preno! Anak! Ang seatbelt mo! " sigaw ni Daddy habang pinipilit tapakan ang break ng kotse sa pag asang gumana iyon pero hindi. Sabay kaming napaiyak ni Mommy habang pilit kong hinihigpitan ng kapit sa kinauupuan ko. Nakatingin kaming lahat sa unahan na patuloy kami sa pag iyak. Isang malaking truck ang nahagip ng paningin ko sa kanang bahagi ng intersection na nakatigil. Laking gulat ko ng makitang bigla itong umandar at dadadaan sa aming daraanan. Doon na ako napasigaw.

"NOOOOOOOOOOOOOO!!!!"
Pagmulat ko ng aking mata ay naramdaman ko ang kamay ni Mommy na hinahaplos ang aking mukha. Nakita ko pa siyang humahawak sa kanyang ulo at pilit na pinapahiran ako ng dugo. Tiningnan ko sila ni Daddy bagaman at nahihilo pa rin ako sa lakas ng pagkakabanggang iyon. Napaiyak ako ng makitang wala ng malay si Daddy at wala akong katiyakan kung humihinga pa siya. Batid ko ring nahihirapan na si mommy pero pinilit pa niyang magsalita.

"Anak, play dead. Play dead okay? That's the only way for you to survive." habol ang hininga niyang wika at talagang napakatagal bago niya iyon nasambit. Lumuluha siyang hinawakan ang pisngi ko at pinapikit ako. Hilong hilo ako at masakit ang aking buong katawan. Ramdam ko din ang pagtulo ng dugo sa aking noo. Sinunod ko si mommy at ilang segundo pa lamang akong nakakapikit ay naramdaman ko na ang ilang mga yabag.

"Ano ang napala ng pakikialam niyo sa buhay namin Mrs. Baek?" isang nakakatakot na boses ng babae na sinundan ng nakapangingilabot na halakhak.

"Condolence Mrs. Baek, no , I mean Reporter Maribelle Baek. Mukhang hindi na humihinga si Attorney Baek. And - oh my god! Is that Ma Ri ? Im sorry Mrs Baek. Hindi ko alam na kasama niyo pala ang anak niyo. My condolences." gusto kong mapasigaw nang marinig ko iyon. Patay na nga si Daddy. Galit na galit ako at sobrang nasasaktan sa narinig ko. Pero muling nagsalita ang babae.

"Im sure Mrs. Baek, you found it too hard to believe right? Sa susunod kasi, kayong mag asawa, pumili kayo ng taong babanggain. Wag ako. Wag ang pamilya ko. Wag kaming mga Torillo. Dahil para kayong mga bobong humanap ng batong ipupukpok sa sarili niyong ulo. Im sure you have no reason to live na ngayon kasi wala na ang mga pinakamamahal mo. Kaya fine, I'll help you. Hayaan mong tulungan kita. Padaliin na natin ang pagkamatay mo. Alam ko namang ayaw mo narin mahirapan. Vladimir? Akin na ang Magnum ko. Make sure to put the silencer."anang babae at muling humalakhak.

"Noo! Wag! Parang awa mo na Malfori. Wag!", boses ni Mommy na nagmamakaawa. Pero dalawang beses kong naramdaman ang pag-igtad ni Mommy. Kasunod noon ay ang papalapit na tunog ng sasakyan ng mga parak pero bago iyon ay mabilis na humarurot paalis ang babae at ang napakarami niyang kasama. Nakita ko pa ang pag alis nila dahil nagmulat na ako ng mata para tingnan si Mommy at Daddy. Napahagulhol ako ng makita ang kanilang lagay. Hinawakan ko ang pareho nilang kamay at saka tuluyang napapikit sa sakit ng aking ulo. Ang huli kong namalayan ay ang pagtigil ng mga sasakyan at malakas na sirena ng sasakyan ng pulis.

END OF FLASHBACK

Pinahid ko ang ilang butil ng luhang tumakas sa aking mga mata. Dinampot ko ang panang nasa harap ko at sinipat ang target. Mabilis kong pinakawalan ang palaso at kitang kita ko kung paanong tumama ito sa maliit na kulay pulang bilog sa gitna ng target.

"That's it for today.",ako at mabilis na tinalikuran sila habang sabay sabay silang tumungo at nagbigay daan sa akin, tanda ng pagbibigay galang.

To be Continued ~~

The Havoc Inside HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon