29

3.4K 89 10
                                    

"Good morning bitches!"


Naglalakad ako palapit sa mga kaibigan ko na nakaupo sa kubo kung saan kami palaging tumatambay tuwing vacant. Andun silang lahat except for Jackson at sabay sabay silang napalingon nang marinig nila ang aking pagbati.


"Morning Jen!" sabay sabay nilang bati bago isa isang bumeso sa'kin.


Nakagawian na namin yung ganito tuwing magkikita kita kami after weekends. Umupo ako sa tabi ni Chaeng.


"Woke up on the right side of the bed?" bulong ni Chaeng sakin matapos kong umupo sa tabi niya. Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay kinindatan ko lang siya which made her shook her head while chuckling.


"Mukhang good mood ka ngayong umaga. Mukhang may nangyari ah?" nakangising tanong ni Irene.


"Ano kaba Irene nakalimutan mo na ba? Diba she'll get to spend the weekend by Ms. Student Council President?" pagpapaalala ni Wendy na lalong nagpalapad ng ngiti ko.


"Ay oo nga pala! So, how was it? Masaya ba siya kasama?" usisa ulit ni Irene na bakas ang excitement sa tono nang pananalita.



Muli akong natahimik habang binabalikan ang lahat nang nangyari sa amin sa Baguio sa nakalipas na dalawang araw. Kinikilig pa rin talaga ko. Para akong teenager sa inaasal ko ngayon pero masisisi niyo ba ako? Isa pa, I can say that was the best short vacation I've ever had in my entire life kasi kasama ko siya.



Chaeng cleared her throat kaya napabalik ako sa realidad. Napatingin ako sa kanya at kina Irene and I chuckled looking at them with so much anticipation. Talagang all their eyes are on me waiting for my kwento but ended up annoyed when I just smirked at them. They let out a frustrated sigh at sabay sabay akong inirapan na mas lalong nagpatawa sa akin.


"What the fuck Jennie Kim! Give us the deets! Ano? Ngingitian mo lang kami buong araw?" inis na komento ng bestfriend kong si Chaeng.


"Oo nga Jen! I know there's something going on behind that beautiful smile of yours. San mo ba kasi siya dinala? Saka anong nangyari? Napaamo mo ba? O baka naman wala talagang nangyari dahil hindi mo kinaya ang resisting powers ni Ms. President?" mapang hamong tanong ni Irene.


Iniangat ko ang ulo ko para tignan siya ngunit napako ang tingin ko sa babaeng papalapit sa amin. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmasdan ko siyang nakikipagkamustahan sa mga tropa niyang si Seulgi at Jisoo. Nang mapagawi sa direksyon namin ang mga mata niya ay agad na nagtama ang aming mga paningin na mas nagpalapad ng aming mga ngiti. Pinanood ko lang siya habang naglalakad siya papalapit sa pwesto namin. Parang may kung anong kumukurot sa tiyan ko at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Basta sobrang excited at saya kong makita siya. Hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi ko at hindi yun nakawala sa paningin ng mga kaibigan ko kaya napalingon na rin sila kung saan nakabaling ang atensyon ko.


"Hi ladies! Good morning!" nakangiting bati ni Lisa para sa lahat ngunit sa akin pa rin siya nakatingin.


"Good morning" sabay sabay nilang bati pabalik.


Ngumiti siya sa kanila bago tumungo sa likuran ko. She put her hands on my shoulder that sends thousands of electric bolt on my body and the last thing I knew is she's already kissing my cheeks.


"Good morning baby" she said right after she kissed me na ikinabigla nang mga kaibigan ko. Alam ko dahil muntik nang lumuwa ang mga mata nila sa narinig.



Tumayo ako para harapin si Lisa at saka inilagay ang aking mga braso sa kanyang batok habang automatiko niya namang hinapit ang baywang ko papalapit sa kanya. I can feel everybody's eyes on us. Some are glaring, some are squealing, some looks shocked that Lisa and I are acting lovey dovey this morning. Sanay kasi silang nagbabangayan kami tuwing umaga tuwing pinapatahimik niya kaming magtotropa dahil likas kaming maiingay.



Bad Chick [COMPLETED]Where stories live. Discover now