27

3.3K 118 25
                                    

"Cry baby ka pala eh. I never expected to see that from THE Jennie Kim na kinatatakutan at sinasamba ng buong university"


I rolled my eyes on her dahil kanina niya pa ko inaasar dahil sa pag iyak ko kanina. Hindi naman talaga ako iyakin. Sa totoo nga, ngayon na lang ulit ako umiyak. Nagflashback kasi sa isip ko lahat ng mga pinagdaanan ko noong nagpapalaboy laboy pa ko sa kalsada noon dahil sa nangyari kanina.



"I'm not iyakin. May naalala lang ako kaya ganun" depensa ko sa sarili ko.


I lowered my head trying to erase those bad memories on my head. Ayoko na kasing alalahanin pa yung mga masasamang pangyayari sa buhay ko noon. Pinagmasdan ko na lang yung sapatos ko habang naglalakad ng nakayuko saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.


"Care to share?"


Iniangat ko ang ulo ko at nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi agad ako nakapagsalita dahil tinatantya ko pa kung okay lang bang ikwento ko sa kanya yung nakaraan ko. Masyado kasing personal sakin 'to at walang ibang nakakaalam ng lahat ng pinagdaanan ko bukod kay Chaeng at kay Tita Belle. Pero wala naman sigurong mawawala kung ibibigay ko ang tiwala ko kay Lisa.


"Okay lang naman kung ayaw mong magkwento. Alam kong hindi mo pa ko gaanong kilala kaya I underst---"


I cut her off and said, "No it's okay"


Ngumiti siya at tumango. Andito kami sa Mines View Park ngayon, nakatayo habang pinagmamasdan yung liwanag ng mga bituin sa langit. Sobrang ganda. This is one of the reasons why I love Baguio so much. Bukod sa malamig nitong klima, yung ganda ng tanawin ang isa pa sa mga nagustuhan ko rito. Ewan ko ba, but there's something special in Baguio na kahit ilang beses mo nang napuntahan, hindi ka magsasawang balik balikan. Tapos lalo pang naging special ngayon kasi I'm with someone special din. Since she's someone special to me, I am willing to share my stories to her. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.


"Thirteen years old ako ng mamatay si Mommy. After  a few months may iniuwi nang ibang babae si Dad sa bahay. Nagalit ako nun sa kanya dahil pakiramdam ko hindi niya na nirespeto yung alaala ni Mom pero imbes na ilabas yung galit ko, hindi na lang ako kumibo. Until one day, hindi na ako nakapag pigel when I saw his mistress burning my mom's things. Sa sobrang galit ko nasaktan ko siya at nasigawan. Nahuli ako nun ni Dad kaya sobrang nagalit siya sakin. I told him hindi ko sinasadya at nadala lang ako ng galit dahil pinakialaman niya yung mga gamit ni Mom pero hindi siya nakinig sakin. Mas pinaniwalaan niya pa yung mga kasinungalingan ng babaeng yun at ako tuloy yung nagmukhang masama sa mata ng tatay ko. Nung ipinagtanggol ko ang sarili ko, mas lalong nagalit sakin si Dad. Mas gugustuhin niya pa daw na lumayas ako kaysa bastusin ko yung kabit niya. Pinalayas niya ko sa bahay. Nagmakaawa ako nun sa kanya to the point na lumuhod ako pero hindi siya naawa. Hinding hindi ko makakalimutan nung pinagsarahan niya ko ng gate. Simula nun isinumpa ko na sa sarili ko na hindi hindi na ko babalik sa bahay na yun hanggang doon sila nakatira"



Sandali akong huminto ng maramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko sa pisngi ko. Agad ko yung pinawi ng mga kamay ko dahil ayoko yung makita ni Lisa. Napalingon siya sakin at halatang nagulat siya sa mga ikwinento ko pero agad din naman niyang inilayo ang tingin niya sakin and I appreciate that gesture. Maybe she knows I don't want her to see me like this but I know she's listening. Pinagpatuloy ko ang pagkukwento kahit na nahihirapan na kong huminga dahil nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko.




"Anim na buwan akong nagpalaboy laboy sa kalsada nun at wala akong ginawa kundi umiyak. Takot na takot ako dahil hindi ko alam kung paano pa ko mabubuhay. Hindi ko alam kung saan ako kakain, kung saan ako pupunta, o kung saan ako matutulog. Nabuhay ako nun sa pamumulot ng pagkain sa mga basurahan at sa pagtulog sa mga underpass at sa kung saan saang ilalim ng tulay. Yung akala kong hindi ko kaya, kaya ko pala. Ulanin arawin ako sa daan. Nagkakasakit ng walang nag aalaga. Nung mga panahon na yun, mas gusto ko na lang mamatay dahil parang ganun na rin naman ako eh. Lagi kong naiisip na sana sinama na lang ako ni Mommy para hindi ko nararanasan lahat ng yun. Pero hindi ako nagpatalo dun. Inisip ko dapat akong mabuhay dahil ipinangako ko sa sarili ko na babawiin ko yung bahay ni Mom. Kaya hindi ako pwedeng mamatay. Kaya nagpatuloy ako sa buhay hanggang isang araw habang naghahanap ako ng makakain sa kalsada, may isang humaharurot na sasakyan. Alam ko mababangga ako nun pero dahil na rin sa sobrang nanghihina na ko, hindi ko na nagawang makagalaw. Hinintay ko na lang na bumangga yun sakin katulad nung nangyari kanina but I never thought na dun na pala yung oras na mababago na rin yung takbo ng buhay ko. May nagligtas sakin. Si Tita Belle.  Kinupkop niya ko at itinuring na para niya na ring anak. Alam niya ang lahat ng pinagdaanan ko dahil tulad ko dati rin siyang naging palaboy. Binihisan niya ko, pinakain, pinag aral, at siya rin ang nagturo sakin na maging matatag. Siya ang nagturo sakin na wag magpapaapak ng pagkatao ko. Kaya ako ganito ngayon. Everybody's thinking I'm a bitch but that's just because life has also been a bitch to me" I managed to finish the story with a smile on my face kahit na sobrang sakit na nang lalamunan ko dahil sa pagpipigil kong umiyak.



Bad Chick [COMPLETED]Where stories live. Discover now