11

3.4K 112 10
                                    

"Good morning"

Nagulat ako ng may biglang bumati sakin pagbaba ko ng kotse ko. Paglingon ko, I saw Lisa smiling widely at me habang nakasandal siya sa pinto ng driver seat niya. Sinagot ko naman siya ng isa ring matamis na ngiti.

"Good morning den sayo. Kanina ka pa dyan?"

"Oo" nakangiting sagot niya.

Puchang ngiti yan nakakapanghina ng tuhod. Kinikilig na naman ako. Jennie relax! Cool ka lang wag ka masyadong pahalatang kinikilig ka.

I composed myself and smiled a little. Yung pabebeng ngiti lang.

"Ba't sobrang aga mo naman ata?" tanong ko ulit.

"Hinihintay kita eh" sabi niya ng nakangiti while staring straight into my eyes.

My eyes widened and my heart started beating so loud. Putek to pafall! Pag ako nahulog at di ako sinalo nito sinasabi ko talaga makakapanakit talaga ko.

I cleared my throat.

"Bakit naman?" sagot ko habang sobrang pilit na wag mautal sa pagsasalita sa harapan niya.

"May ibibigay kasi ako sayo" sabi niya at pagtapos ay binuksan niya ang pinto ng kotse niya at may kinuha sa loob. Pagharap niya sakin ay inabutan niya ko ng Starbucks.

"White Chocolate Mocha for you" nakangiting sabi niya.

Teka pano niya nalaman?

"Pano mo nalaman yung favorite flavor ko?" nagtatakang tanong ko.

Don't tell me inistalk niya ulit ako. Pero wala naman akong tweet na patungkol sa paborito kong kape kaya imposible.

"Gut feelings?"

Gut feelings huh! Mukha mo! Sinong niloko mo? Alam kong may ginawa ka kaya mo nalaman. Pero kahit ano pa yun di na mahalaga. Ang mahalaga sobrang saya ko at sobrang kinikilig ako!

I smiled and nod bago ko yun tinanggap.

"Thank you"

"I'm glad you liked it"

Pagtapos nun ay sabay na kaming naglakad papasok sa university at sa klase.

Nasa gate pa lang kami ay nakaagaw na agad kami ng atensyon. Pano ba namang hindi eh magkasabay na pumasok ang isa sa pinaka kilalang mortal enemies nang university na ito. The University Student council President and the University's Bad Bitch walking together in peace. Alam kasi ng lahat ng estudyante rito na my group of friends including me don't get along with her. Pano nga kasi mga pasaway kami at kadalasang taga break ng rules ng eskwelahang to. Nagkataon lang na walang magawa ang mga professors and even board of directors ng school dahil mayayaman lahat ng mga kabarkada ko, kaya hindi nila magalaw. Pero kung may isa mang hindi natatakot samin, walang iba kundi si Lisa lang. Lisa came from the family of Doctors and Engineers. Isa sa pinakamayamang pamilya sa university nato. Her parents are alumni here as well kaya nirerespeto talaga ang apelyidong Manoban dito. Well, bukod naman den kasi sa yaman nila, maipagmamalaki rin nila ang sobrang katalinuhang nananalaytay sa dugo at pangalan nila. All Manobans who studied here brought pride to this school kaya sobrang tinitingala at hinahangaan talaga sila. Even Lisa, she represented and won a lot of  scholastic contest in and out of the country. Kaya nga nung tumakbo yan para sa student council, walang naglakas loob na lumaban sa kanya pagkapresidente.

Students make way for us at nung marating na namin ang college of Enginering ay agad na nagsipulan na ang mga estudyanteng nakatambay roon. This scenario was just normal to me but to Lisa, it isn't.

Bad Chick [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon