3

4.1K 122 9
                                    

Maaga akong nagising dahil sa maingay na tunog ng alarm ko. Agad akong bumangon katulad ng nakasanayan ko para maghanda na sa pagpasok sa eskwela. Ayoko kasi ng nalelate ako kaya maaga talaga akong bumabanagon araw araw.

Pagtapos kong maligo, I walked towards my walk in closet at pumili ng disenteng damit na maisusuot.  I always wear formal attire dahil every after class ko sa hapon diretso na ako sa kompanya namin. Tinetrain na rin kaso ako ni Dad on how to run our business para daw pagkagraduate ko eh hindi na ko mahihirapan mag adjust.

Habang nag aayos ay narinig kong may kumatok sa may pinto.

"Ma'am Lisa?" tawag ng isang kasambahay namin.

"Ma'am Lisa gising na po ba kayo?"

"Yes manang bakit ho?" tanong ko habang inaayos ko yung sleeves ng polo ko sa harap ng salamin.

"Pinapatawag na po kasi kayo ni Sir. Sabayan niyo na daw po siya magbreakfast. Saka pinapasabi niya po na bilisan niyo daw kasi may nagiintay sa inyo sa baba"

"Ah sige po manang, pasabi po pababa na ko"

"Okay po"

After one last look on myself, bumaba na ko para puntahan si Dad. Himala ata na nandito pa siya. Hindi yata siya pumasok ng maaga sa opisina. Ba't kaya? tanong ko sa sarili ko. Then biglang naalala ko na may nag aantay daw sakin sa baba. Sino naman kaya yun at ang aga aga para pumunta dito?

Nagmadali na ko papuntang dining area dahil baka mainip yung naghinintay sakin. Pagpasok ko roon ay agad kong nakita si Dad. May kasama siyang isa pang lalaki at babae. Hindi ko madistinguish kung sino dahil nakatalikod sila sakin. Hindi naman nagtagal at napansin na ni Dad ang presensya ko.

"Oh eto na pala si Lisa eh!" nakangiting sabi ng ama ko.

Agad akong lumapit at hinalikan si Dad sa pisngi.

"Morning Dad" bati ko bago ako umupo sa upuan sa kanan ni Dad.

Napatingin ako sa mga bisita niya. They look really familiar to me. Yung lalaki na parang kasing edad lang ng tatay ko ay nakatingin sakin tapos ngiting ngiti at ganun din yung babaeng kasama niya na kasing edad ko naman.

Tinitigan ko sila ng mabuti at nanlaki ang mga mata ko when I realized who they are.

"Uncle Max? Snow?" gulat na sabi ko at natawa naman sila.

Nakikita ko naman sila sa picture pero iba pa rin sa personal. Anlaki na kasi ng pinagbago ng itsura nila eh, lalo na tong si Snow.

"Kala ko di mo na ko makikilala eh. Muntik na ko magtampo!" nakapout na sabi nito.

"Sorry. Medyo naghang yung utak ko. Grabe laki nang pinagbago mo!" nakangiting sabi ko.

Uncle Max is my Dad's bestfriend at kababata ko naman si Snow. Actually, bestfriend ko siya at siya rin yung first crush and first kiss ko pero mga bata pa kami nun. Sobrang payatot at lampa tong si Snow noon kaya palagi ko siyang sinasamahan sa playground kasi palagi siyang binubully nung ibang mga batang naglalaro dun. Maliit pa kami nung mag migrate sila sa US at simula nun madalang ko na lang siyang makausap. Minsan nakakachat ko siya sa messenger pero ilang months na rin ang nakalipas simula nung huling beses kaming nagusap kaya wala na kong balita sa kanya. Hindi niya naman nabanggit sakin nun na uuwi sila dito.

"Kelan pa kayo dumating?"

"Kahapon lang. Nagpahinga muna kami nitong si Dad sa bahay bago kami nagpunta dito. Hindi ko talaga pinasabi kay Uncle Marco kasi I want to surprise you"

Bad Chick [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon