13

3.3K 121 10
                                    

"Basta mamaya guys ha, sa The Lounge aasahan ko kayong lahat! Birthday ko kaya bawal mag pass. Manoban kahit sandali lang ha, please?" Joy announced to the whole class paglabas na paglabas ni Professor Song. She even pouted while she's convincing me to come.

Madalas kasing nagpapa- party tong mga classmates namin pero never pa kong umattend. Hindi naman dahil sa ayaw ko pero kasi madalas nasastuck ako sa office hanggang gabi dahil sa dami ng nakatambak na trabahong dapat kong tapusin kaya hindi ako nakakapunta.

"Hindi ako nangangako Joy but I'll try, okay?" sagot ko naman sa kanya.

"Okay, pero aasahan pa rin kita"

I nodded my head and smiled at her. When I shifted my gaze on my left, I caught Jennie looking at me but she instantly looked away. Is she shy? I shook my head. Who am I kidding? Si Jennie Kim mahihiya? Imposible.

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong ala- singko na pala. Shit! Late na ko! Mayayari na naman ako nito kay Dad!

Nagmadali na kong ayusin ang mga gamit ko at hindi na ko nag abala pang magpalit ng damit dahil mas lalo akong malelate pag nagbihis pa ko. Sa office ko na lang gagawin yun. Nagpaalam ako kina Jisoo at dali dali nang tumakbo papuntang parking lot.

"Una na ko sa inyo ha. Late na ko eh!" paalam ko sa kanila.

"Sige, pano kita na lang tayo mamaya sa The Lounge?" tanong ni Jisoo.

"Bahala na pag hindi ako busy. Sige na, bye!" and with that I left them.






I tapped on the steering wheel of my car habang hinihintay kong mag green yung traffic light. Once again, I checked the time at napabuntong hininga na lang ako dahil 30 minutes na kong late. Inabutan na rin kasi ako ng traffic. Panay na rin ang tunog ng phone ko at malamang si Dad na yun at hinahanap na ko. Hindi na muna ko nag abalang sagutin yung mga text niya at mabilis nang nagmaneho papuntang opisina.

Pagdating ko dun ay agad akong sinalubong ng sekretarya ni Dad.

"Naku miss Lisa buti dumating na po kayo. Galit na galit na si Sir, ma'am. He instructed me to tell you na dumiretso ka na daw po muna sa conference room pagdating mo"

"Sige Hyeri salamat"

She nodded her head at bumalik na sa table niya. Ako naman, dumiretso na papuntang conference room. Sobrang kinakabahan na ko habang iniimagine ko na kung anong mangyayari sa loob. Pagdating ko sa may pinto, sandali akong huminto at huminga ng malalim bago ko yun tuluyang binuksan. Dahan dahan akong pumasok but I know that he's already aware of my presence because of the creaking sound of the door. I saw him looking at the whiteboard while I was actually facing his back.

"Anong oras na Lisa?" tanong niya na hindi pa rin humaharap sakin.

He's calm but I know I'm already doomed.

"Quarter to six sir" sagot ko.

Yes, I used to call him sir kapag nandito kami sa opisina dahil sabi niya we should act as professionals and not as father and daughter.

"Do you know that you're 45 minutes late?"

"I know sir. I'm sorry my professor extended the cl---"

"I don't fucking care about your explanation! We have a very important client and meeting that you ditch! Do you know how important that meeting is? That is a multi million project Lisa and you missed all the important aspects of the meeting. You could've learn a lot from that! Didn't I told you not to be late? Anong subject yan?" he shouted.

"PE, dance" mahinang sabi ko.

His brows creased even more.

"Dance?! You ditch a very important meeting for a fuckin' dance?! Don't tell me sinadya mo to?" galit na tanong niya.

Bad Chick [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora