26

3.2K 94 16
                                    

"Teka lang Lisa dahan dahan lang matutumba ako... dahan dahan lang!"

Bahagya akong nakayuko at nakatingin sa four wheeled roller skates na suot suot ko habang nakahawak sa mga kamay ni Lisa. Magkaharap kami ngayon habang inaalalayan niya ko sa pagbabalanse ko ng de gulong kong sapatos. Hindi ko alam kung paano niya ko napapayag na gawin 'to dahil una sa lahat hindi naman ako marunong nito. Wala pa ngang nakakapag aya sakin na subukan tong roller skating maski yung ex ko pa. Pero siya, isang aya lang oo na agad ako. Hays... anong magagawa ko? Malakas sakin 'tong babaeng to eh kahit na naiinis na ko sa pagmumukha niya dahil kanina niya pa ko tinatawanan.

"Relax ka lang kasi Kim. Hindi naman kita bibitawan eh. Sasaluhin kita pag nahulog ka"

Bigla akong napatingin sa kanya ng sabihin niya yun at agad na bumungad sakin ang mga ngiti niya kasabay ng pagtaas baba ng kanyang mga kilay. Ang ganda niya talaga! Lalo na kapag nakangiti siya ng ganyan. Bigla kong naramdaman yung pag init ng mukha ko kaya mabilis akong yumuko para itago ito dahil ayokong makita niyang namumula ako. Kinikilig kasi ako sa kanya eh.

Shuta ka Manoban! Hulog na hulog na talaga ko sa'yo. Pag ako di mo sinalo siraulo ka.

"Paasa" bulong ko sa sarili ko.

"What?"

Iniangat ko ang ulo ko para tignan siya at mabilis na umiling.

"Ha? Wala! Wala akong sinasabi!" depensa ko bago ko muling iniyuko ang ulo ko at tumitig sa suot kong roller skates.

"Okay!" sagot niya saka nagpatuloy sa pag skate.

Shit! That was close Jennie!


I was slapping my self mentally nang bigla siyang magsalita.


"Look at me. Hindi ka matututo kung dyan ka lang palaging nakatingin" I heard her say.

Iniangat ko ang ulo ko at muling bumungad sakin ang matatamis niyang mga ngiti. Geez! Why do you have to be that beautiful? At eto na naman ang puso ko, nagwawala na naman habang nakatitig kami sa mata ng isa't isa at magkalapat ang mga palad. Those eyes. I really love them. Sobrang nakakahypnotize yung mga mata niya to the point na parang nawawala ako sa sarili ko kapag tinitigan niya ko ng ganyan. Sama mo pa yung ngiti niya na paminsan mo lang makita. Sobrang nakakapanghina ng tuhod, nakakapanlambot.

"You okay, Kim?" she asked na nagpabalik sakin sa realidad. I didn't notice na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.


"Ah yeah... yeah I'm fine. So, ano nga yung sinasabi mo?"

"Sabi ko I'll teach you how to do it" nakangiting ulit niya.


"Sige" sagot while nodding my head.

We started to move at dinala niya ko sa may side kung nasaan yung mga railings at saka niya ko pinahawak roon so that she can teach me well daw. Hindi niya raw kasi maituturo ng maayos yung dapat kong gawin habang inaalalayan niya ko. Pagdating namin sa side ay agad niya binatawan ang kamay ko at inilagay yun sa may railings. I suddenly felt empty nung maghiwalay ang mga kamay namin.


"Madali lang naman 'to. Roller skating is all about balance. Kung magaling kang magbalance, mabilis kang matututo nito. But before that, let me just teach you the proper posture first" paliwanag niya.


I nodded my head habang pinagmamasdan siyang magturo. She's very serious kaya naman sinigurado kong nafofocus din ako sa lahat ng sinasabi niya. I want to learn this quick coz I want to impress her.


Bad Chick [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant