Chapter 21

26 6 0
                                    

It's been a week since our PE Class. Damn, mabuti na lang talaga at gumagaling na ang mga pasa sa katawan ko. Naipanalo ko nga ang klase namin ngunit kapalit naman nun ay sakit sa katawan. Geez, isang araw rin akong absent dahil sa lintik na teacher na yan.

Napangiwi ako habang kumakain dahil masakit pa rin ang gilid ng labi ko. Wala talagang sinasanto ang mga kalalakihan sa 11-B. Geez! Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay may dumating na mga street foods at inilapag ito sa mesa namin. Agad na naglaway ang baga ko nang makita ang mga pagkain na inilapag nila.

Agad kaming nagsipagkuhahan ng kanya kanyang street food. Of course, pare pareho kaming matakaw. Ang kinuha ko ay ang nakastick na liver. Gosh, I never had a chance to visit the street food court again. Kaya naman takam na takam kong nilantakan ang liver.

"Guyseu, shino naghordersh nhetoh?!"

"Nhot meh,"

"Hindeh rein akoh, ha!"

"Mash lahlongh hindeh akoh,"

Hindi ko na naintindihan pa ang kanilang sinasabi nang maramdaman kong sumikip bigla ang dibdib ko. Agad akong napatayo at sinapo ko ang dibdib ko ngunit nasagi ko ang baso ng tubig ni Allen. Shit! I can't breathe.

"Hey, President! You okay?!"

"Hoy, anyare?!"

"President, what's wrong?!" 

Agad na nagsipaglapitan sa akin ang mga nagaalalang talipandas. Dahil sa mga sigaw nila at pagpapanic ay nakuha tuloy namin ang attention ng buong cafeteria. Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili na lumanghap ng hangin.

"I-i-i ca-cant b-b-breathe!" nanghihinang sagot ko. Agad naman akong hinawakan sa bewang ni Allen nang akmang matutumba ako. Shit! Pilit kong dinidilat ang mga mata ko para hanapin ang bag ko ngunit iniwan nga pala namin ito sa classroom. 

Damn, nandoon yung gamot ko sa allergy. I know it's a allergic reaction dahil nangyari na rin sa akin ito noon. Ngunit hindi ako sigurado kung anong nakain ko. 

Agad na namang nabalisa ang mga talipandas dahil sa sinabi ko. May mga nag-abot ng tubig sa akin ang ilan naman ay agad na pumunta ata sa infirmary.

"Da-damn, something i-is i-in m-my -f-food!" agad na nilapitan ni Sha ang kinakain ko kanina at may inilabas siyang maliliit na sibuyas mula sa liver na tira ko. Tangina! Allergic ako sa sibuyas!

"Me-medicine! Ba-bagg---" nawalan ng lakas ang tuhod ko dahil sa panghihina. Unti unti kong ipinikit ang mata ko at ang huling nakita at narinig ko ay ang nagpapanic at ang mga sigaw nila ngunit natuon ang pansin ko sa isang lalaking tumatakbo palapit sa akin?! 

Agad kong naimulat ang mga mata ko nang sapilitan akong painumin ng gamot. Naalala kong ito ang lalaking tumatakbo kanina palapit sa akin.  

"Drink this one. I also have an allergic in onions," he said worriedly. I don't even know this guy. Dahil sa panghihina ay ibinuka ko na lamang ang mga labi ko at sapilitang nilunok ang gamot na ibinigay niya. Agad naman niya akong inalalayan ng uminom ako ng tubig.

Matapos inumin ang gamot ay hindi ko na alam kung anong nangyari. Tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. Naibalik lamang ang diwa ko nang makarinig ako ng mga sigawan. Doon ko lang napansin na nakahiga pala ako sa sofa at nakaunan kay Allen.

"You okay?!" he asked. I slowly nodded my head and tried to get up. Agad naman akong inalalayan ni Allen sa pag-upo.

"Oh, well, our new queen is awake!" nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang nakakarinding boses ni Ayanna. Tangina, kahit kailan ang sakit talaga sa tenga ang boses ng lintang ito. 

Annihilate The VestigeWhere stories live. Discover now