Chapter 11

24 6 0
                                    

Chapter theme: A Light to Call Home

-----
Nakasimangot akong naglalakad papunta sa isang Seafood restaurant dahil lunch time na rin. Tatawa-tawang sumunod naman sa akin si Quinton. Nagorder ako ng mga seafoods at piniling ipadeliver ito malapit sa may dagat. Nang lumingon ako sa paligid ay  hindi ko makita si Quintong. Tsh,bigla na namang nawala ang asungot. Ewan ko ba dun! Parang kabuteng pasulpo sulpot.

Pinili kong lumapit sa ilalim ng isang coconut tree. Mauupo na sana ako ngunit hinawakan ni Quinton ang braso ko. Tignan niya? Bigla na namang sumulpot.

"Wait there, miss," ani niya saka siya naglatag ng picnic mat sa buhangin. 

Nakatopless lang siya kaya naman naaasiwa akong tumingin sa kanya. Basang basa pa rin pala kaming dalawa. Inabutan niya ako ng isang purple na twalya kaya naman kinuha ko ito saka tinuyo ang aking sarili. 

Ilang sandali lamang ay dumating na ang mga inorder ko. May dala silang maliit na lamesa at doon nila nilagay ang mga pagkain na binili ko. Naupo na ako ngunit si Quinton ay nakatingin lamang sa akin. Titingin siya sa may hita ko saka siya bubungisngis.

"Saya mo, ah?" sarkastikong sabi ko. Tinawanan niya lang ako kaya naman inirapan ko ito. 

Kumuha ako ng plato at nilagyan ito ng kanin. Kumuha rin ako ng ulam sa Plateau de fruits de mer. Isa itong french seafood platter. Marami rami rin akong inorder dahil tiyak na pareho kaming gutom ni Quinton. Nagsimula na akong kumain ngunit nakatunganga lang sa akin si Quinton.

"What?! Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako," mataray na tanong ko. He shook his head and smiled a little.

"Marunong ka palang magkamay," sagot niya habang nakatingin sa kamay ko. Anong tingin niya sa akin? 

"Im not maarte," sagot ko saka linantakan ang mga nakahain. Lumamon na rin si Quinton at tila sayang saya ito sa kinakain. Magana pala itong kumain. 

Dahil sa paulit ulit na pagsandok ng kanin at pagkuha ng ulam ay tinamad na ako. May  malaking dahon ng saging ang nakalapag sa lamesa kaya ang ginawa ko ay ibinaba lahat sa buhangin ang mga pagkain. Inalis ko sa lagayan ang  kanin at saka nilagay ito sa gitna ng dahon ng saging. Sunod kong nilagay ang mga ulam sa paligid ng kanin.

Nagtatakang tinignan naman ako ni Quinton. Tila hindi siya makapaniwala sa ginagawa ko. What, now?!

"This is called boodle fight if you dont know," sabi ko. Ngumisi naman ito sa akin saka natawa ng mahina.

"How'd you know? I heard ngayon ka na lang nakabalik ng Pilipinas," napataas naman ang kilay ko. Anong akala niya sa akin?

"Yeah, you're not maarte," sabi naman niya. 

Naubos naming dalawa ang pagkain. Kasalukuyan akong umiinom ng fresh buko juice at siya naman ay nakasandal sa punong nasa likuran ko.

"Whoa, akala ko nagdidiet ka? Pano mo naubos ang lahat ng iyon?" manghang tanong nito. Asshole!

"Who told you Im dieting?" I asked while my brows are furrowed. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka napangisi.

"Really?" he asked teasingly.

"Pervert!" inis na hinablot ko ang twalya ko saka iyon inihampas sa kanya. Tatawa tawang umilag naman ang loko. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin.

"How's school?" he asked.

"May gate pa rin," walang emosyon kong sagot. Natawa naman ito ngunit natahimik rin naman.

"Are you still studying?" I asked.

"Yeah, Im a graduating student," sagot niya kaya naman napalingon ako sa kanya.

Annihilate The VestigeWhere stories live. Discover now