Chapter 3

32 9 0
                                    

I woke up at the wrong  side of bed. So, expect me being a super sayan today. Kasalukuyan akong bumababa sa taxing sinakyan ko. Yeah, wala ako sa mood magdrive at baka may maaksidente dahil sa akin.

Naglakad na ako papunta sa south gate dahil trip ko. Ayokong dumaan sa main gate at mababadtrip lang ako sa tingin na ipupukol sa akin ng mga tao.

May nadaanan ako kaninang street food court and I suddenly want to try it. Siguro mamayang uwian na lang.

'Dynnnnnanana eh, dynnnnnanana eh, dynnnnnanana eh, light it up like dynamite'

I kinda feel addicted to this new release song of BTS. Naghehead bang pa ako habang pinapatugtog ito.

'So, light it up like a dynamite!'

Im enjoying my school sound trip when a hand suddenly snaked around my shoulders.

Tinignan ko ang may ari ng kamay at di ko mapigilang magtaas ng kilay. Nagsasalita siya pero wala akong naririnig. Patuloy pa rin siya sa pagsasalita at tumatawa pa ito.

"Purple haired girl! Why did you left me yesterday?"

"Hoy, uso magsalita!"

"Paulit ulit kitang tinawag kanina,"

"You're ignoring me huh!?"

"Sungit!"

Ano raw? Can't he see Im wearing my headphone? Napailing na lang ako. Siniko ko ang kamay niyang nakaakbay sakin. He keep talking while I keep listening to this beautiful melody. BTS never disappoint ARMYs!

'So watch me bring the fire and set the night alight'

Nakarating na ako sa building namin but before turning my back I face him and removed my headphone.

"Stream Dynamite!" I said. Nilagay ko sa leeg ko ang headphone at sinuot na lamang ang airpods ko. Doon niya lang napagtanto na hindi ko siya naririnig kanina.

Kinamot niya ang batok niya at tumawa ng mahina. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala ito. Tinalikuran ko na siya at tuluyang pumasok sa building A at siya naman sa building B also known as Boreas.

Nang makarating sa tamang palapag ay dumiretso na ako sa classroom namin which is located at the 5th floor of Artemis Building.

May sampung section sa bawat grade level consist of 20 to 25 students. Magkakasama ang mga Section A kahit na ibat ibang grade level ang mga ito at ganon din sa ibang section.

Pagkapasok ko sa classroom ay nadatnan kong nagkukumpulan silang lahat sa gitna. Hindi ko na sana sila papansinin ng tawagin ako ni Shameer.

"Brielle, lika dito. Tignan mo to," sinimangutan ko siya ng hilahin niya ako palapit sa kumpulan. Ano na naman bang kalokohan ito?

"Tignan mo to dali!" ipinasa nila sakin ang tinitignan nila sa isang laptop. Napataas ang kilay ko ng makitang isa itong Styland University page.

Ibabalik ko na sana sa kanila ang laptop ng iiscroll ito ni Allen. I rolled my eyes when I saw a photo of me. It was captured yesterday. Nakasakay ako sa motorsiklo ko. What now?!

"STYLAND DROP-DEAD BODACIOUS TRANSFEREE!!! BRIELLE HARA PARKER OF CLASS 11-A!" I rolled my eyes and gave them back the laptop.

"Oh my my my! May react na itong 23 265!" nagsigawan naman ang lahat. What's wrong with them?

"Tell them to delete the picture," I said boredly. Wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Naupo na lamang ako sa aking silya. Wala silang nagawa kundi bumalik sa kanilang mga upuan. I sighed knowing that this can be a huge problem.

Annihilate The VestigeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora