Chapter 18

6.2K 190 0
                                    

"Puyat na puyat ka?" tumango lang ako kay Karla at nagtali ng buhok.




Inaantok ako! T^T




"Para kang shunga! Natulog ka ba?- Omg!" kinunutan ko siya ng noo at inirapan.




"Kung anu-anong iniisip mo!" tumawa lang siya at dumating na din ang iba.




"Hi, girls!" bati samin ni Kuya Sev. Todo kaway naman si Karla dahil damang dama niya ang sinabi ni Kuya Sev.




"Baby!" may yumakap sakin mula sa likod. Sino pa ba?




"Stop being so clingy." pero hindi siya bumitaw sakin.




"Mukhang wala ka sa mood ah? Period mo?" napanganga ako at napatigil saglit. Paano niya nasasabi yun sa harapan ko ng hindi naiilang?! Ughhhhh! >_<




"Hinde!" tinawanan niya lang ako at pumasok na sa staff room. Kumuha ako saglit ng tubig dahil nauuhaw ako.





"Puyat ka ba?" tumango ako kay Dony at sumandal naman siya sa pader at tinitigan ako.





"Bakit?" tinignan ko siya at nakita kong alalang-alala siya. Psh, masyadong dinamdam ang fake relationship namin ah.





"Pag sinabi ko bang si Jino ang dahilan ay hindi ka magagalit?" lumalim ang titig niya sakin kaya umiwas ako. Ngayon ko lang nakita na ganun ang mata niya.





"Just tell me what the fxxk happened." napataas ang isa kong kilay. Possessive eh?




"Pinapunta niya ako sa bahay nila. Kumain kami. It's kinda weird kasi madaling araw kaming kumain. Wala pa akong tulog. See my eyes?" nilapit ko yung mukha ko sa kanya. Nagulat pa ako ng halikan niya ang kaliwang mata ko.





"What the?!" he just chuckled at inalalayan na ako sa staff room. Wait, ang pangit ng term. Para akong lola.




"Uyyyyyy!" pagpasok namin ay boses agad ni Chim ang narinig namin.




"Kamusta ang love birds?" tanong ni Chim samin habang nakahawak sa pisngi.




"Okay naman kami." sabay akbay sakin ni Dony kaya siniko ko siya. Masyado na niyang dinadama.




"Wala tayo sa harap ni Jino kaya magtigil ka." bulong ko sa kanya. Bigla namang nagiba ang expression niya.




"I see. Mahal mo na nga." nginisian niya ako at lumabas sa staff room. Napatingin naman ako kela Karla na biglang natahimik.




"LQ agad?" inirapan ko si Chim at naupo sa tabi ni Karla. Wala ako mood.





"Matulog ka nga muna! Kung ano ano ng sinasabi mo eh." bumuntong hininga na lang ako at sumandal sa balikat ni Karla. May 'konting' maskels naman siya kaya medyo komportable din ako.




"May bayad to ah? Kada isang minuto, fifty pesos!" hindi ko na siya pinansin at nakatulog na ako.





*****





"Hello?.... Ma?.... Nandito sa Coffee shop.... Ngayon na?.... Si Jara.... Sige.... Mamaya na lang...." naalimpungatan ako sa nagsalita. Dumilat ako at nakita ko agad ang mukha ni Jino na nakapikit.




Napansin ko din na nakahiga pala ako sa hita niya. Kaya kitang kita ko yung pilik mata niya. Napahawak agad ako sa pilik mata ko. Parehas lang naman na mahaba ang pilik mata namin. Pero ang unfair kasi lalake siya!




Loving a VAMPIRE. (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon