Chapter 7

8.1K 260 0
                                    

"Umuwi ka na sa inyo!" sabi ni Karla kay Jino. Pero nakatanga lang siya doon sa bintana.

"Hoy!? Wag mong sabihin na dito ka matutulog!? Sige, alis na ako. Ayiiiiiie!" nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Karla at bago pa niya mabuksan ang pinto ay nahila ko na siya.


"Jino! Layas na!" tinignan niya ak ng masama. Aba?! Condo niya ba to?!


"Alis na kasi!!" hindi ko naman plinano na matulog kasama yan!

"Aalis lang ako pag-umalis na din yan." kinunot ko ang noo ko at umiling.

"Papatulugin ko siya dito! At ikaw? Alis na!" umiling siya at aaktong hihiga sa couch ng hilahin ko siya


"Arrgh! Karla! Alis na nga kayo!" inirapan ko silang dalawa at pinalabas na. Narinig ko pa si Karla na humagikhik

"May gusto ka ba sa kaibigan ko? Hihihihi! Bagay kayo! Pero solo kita ngayon!" napatawa na lang din ako. Abnormal talaga yun si Karla.

Naghilamos muna ako ng mukha at pumasok na sa kwarto ko.


Umilaw akong cellphone ko, means, may nagtext.

From: Karla

- Goodnight. -

Weird! Hindi naman nag-gogoodnight sakin si Karla ah? As in never! Baka natuwa kang kasi nasolo niya si Jino? well.


...


Nagising ako ng maaga dahil akala ko may pasok ako. Nagleave pala ako!


Binuksan ko yung kurtina ng bintana ko. Ang taas na ng sikat ng araw! Plano ko pa namang mag-jogging. Pupunta na lang ako sa Coffee Shop. Magrerelax ako at hindi magtatrabaho. Iinggitin ko si Karla. Hahaha!

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin ay nagdrive na ako papuntang Coffee shop. Yep, I can drive. Anong akala niyo sakin?


Pinark ko na ang kotse ko at pumasok sa loob. Mukhang kakabukas pa lang, konti pa lang kasi yung mga costumers. Umupo ako sa pinakadulong upuan. Table 15


"May I know your order, Madame?" napatingin ako sa familiar na boses.


"Kahit isang iced tea lang. Big sized please." tinaasan ko siya ng kilay. Samantalang siya ay gulat na gulat pa din.


"Madaya ka talaga!" uupo sana siya sa harap ko pero hinila ko siya

"Takas ka muna kay Sir!" binelatan niya lang ako at umiling.


"Baka masisante pa ako sa mga pinaplano mo! Iced tea lang ba?" tumango ako at umalis na siya.

Ang tagal naman nun! Iced tea lang naman yung inorder ko!

Habang busy ako sa cellphone ko ay naramdaman ko na lang na may tao na palang nakaupo sa harapan ko.


"Hi." what the?

-
Hindi ko talaga matiis na hindi mag-update! Nai-stock sa utak ko eh. Anyways, last na talaga to. Sa English version muna ako maga-update. 6 chapters pa ang kailangan kong iupdate doon. Kaya bibitinin ko muna kayo dito. Thanks for supporting! :)

Loving a VAMPIRE. (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon