Chapter 9

7.9K 259 6
                                    

"I-I.. I-.."





"Jara, di pa ba kayo tapos maglovey dovey?" napairap ako at napatayo. Muntik tuloy matumba si Jino.






"Okay ka na siguro? Magtrabaho ka na dun." iniwan ko na siya at lumabas na.





"Hoy! Nakaabang kami kanina nila Kuya Sev sa CCTV! Infairness ha, may chemistry talaga kayo."






"Chemistry? Mukha mo!" umalis na ako doon at naabutan ko pa si Dony na nakahalumbaba lang sa table. Hindi pa rin siya umaalis? Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalak-





"Baby!" napapikit ako ng mariin at hindi ulit pinansin. Baka hindi naman ako yung tinatawag niya.





"Hey?" kumunot na naman ang noo ko nung makita ko siya sa tabi ko. Hinawakan niya yung noo ko. What the?!






"Wag kang masyadong kumunot. Baka magka-wrinkles ka. Hindi ka na magmumukhang baby niyan eh." umirap na naman ako ng umakbay siya sakin





"Ano ba?! Wag kang feeling close! Wala pang twelve hours nang magkakilala tayo!" sumipol na naman siya at tumango.






Siguro naman titigil na siya? Siya lang yung lalaking nakilala ko na makapal yung mukha.






Umuwi na ako sa condo ko. Sususian ko na sana nang mapansin ako sa may di kalayuan. Hindi ko na pinansin at sinusian na.







"Hi! Can I come?" muntik ko nang masuntok yung nagsalita. Buti na lang marunong akong mag-control.






"Bakit ka nandito?! Bakit mo ako sinundan?!" nagkibit balikat lang siya kaya napa-face palm ako.







"Wag na wag kang papasok dito." magpoprotesta pa sana siya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.






Pumasok na ako at agad na nahiga sa couch. Maghahapon pa lang. Imbes na magrelax ako, na-stress pa ako.






..






Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko. Tinignan ko agad ang caller.






Chim?






"Hello?"






["Jara!"]






"Oh?"






["Naistorbo ba kita? Kasi ano.."]







"Hindi naman. Okay na din na nakatulog ako. Bakit nga pala?"







["Kasi yung kasama mong lalaki kanina.."] napataas ang kilay ko. Ano na namang meron sa Dony na yun?







"Oh? Anong meron?"







["Bumalik siya dito kanina, para kumain."]







"Chim naman! Ang himbing himbing nang tulog ko eh!"







["Nag-order nga siya. Pero mukhang iniinis niya si Jino. Ayun, nagkasuntukan sila! Ewan ko kung anong sinabi nung lalaki kay Jino kaya nasuntok na lang siya bigla ni Jino."] napataas ang kilay ko.







"Pakialam ko sa mga yan? Edi magsuntukan sila. Hindi ako pwedeng referee. Si Kuya Sev." ieend call ko na sana pero nagsalita pa si Chim







["Ikaw ang pinag-awayan nila! Tinawagan kita kasi pinapatawag ka ni Manager! Kapag hindi ka pumunta dito, suspended ka!"] nanlaki ang mata ko at nabitawan ko ang cellphone ko. Buti na lang may carpet.






Tumayo agad ako at naghalf bath.








..








"Anong bang pinag-awayan niyo? Oh,- Sino ba kasing pinag-awayan niyo?" pagpasok ko ay boses agad ni Kuya Sev ang narinig ko. Nandoon sila sa pinakadulong table. Magkatapat ang upuan nila habang si Kuya Sev ay nasa gitna.






"Tarantado ka." lumapit agad ako ng sabihin yun ni Jino.






"Kuya Sev? Anong nangyayari?" nginuso ni Kuya Sev si Jino.






"Jino?"







"Totoo bang pumunta siya sa condo mo kanina?" tumango ako





"Fuck?! So totoo nga?! Bakit ka naman nagpahalik?!" what the fuck?!






"Anong halik? Kanino? Kay Dony? Asa! Ni hindi ko nga yan pinapasok sa loob eh." napatingin kami sa tumatawang si Dony







"Kung magselos, parang boyfriend. Ni hindi mo nga nililigawan." susugod sana ulit si Jino pero mabuti na lang at pinigilan siya ni Kuya Sev






"Tangina mo."






"Tangina mo din."






Ughhhhhhh!






"O sige! Mag-tanginahan kayong dalawa dyan! Kuya Sev! Pabayaan mo sila!" lumabas agad ako at pumunta sa condo. Bakit ba puro ka-ekekan na lang ang nangyayari sakin?!

Loving a VAMPIRE. (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon