Chapter 11

8.1K 212 0
                                    

Napansin niyo ba yung konting spaces last chapter? haha! I want something new, pero hindi talaga ako sanay na konti lang ang spaces. Btw, wag naman sana kayong mabaliw kapag nabasa niyo tong chapter.
-


"H-hello po?"


["Jara.."] kumunot ang noo ko. Imposibleng Mama niya to.


"Uhh? Sino to?"


["Jino."]


["Just checking if you're okay."]

"Huh? Okay naman ako.. Uhmm, bakit ka pala hindi pumasok?"


["Uhhh.. K-kasi, wala. Sige, bye."]

"Wait! Yung cellpho-"

What the?! Binabaan ako?!

Nagvibrate yung cellphone. Akala ko kay Jino, yung sakin pala.

Unknown number? Sino naman to?

"Sino to?"

["Woah?! Easy. I'm Dony! Hi, Baby!"] napairap ako at humilata sa kama.


"Kanino mo nalaman yung number ko?!"

["That's not important. Nga pala, asan ka kanina? I was hoping na may pasok ka kaya I visited."]

"Hindi mo na kailangang malaman. Tsaka, magpapahinga na ako."


["Wait! Are you free tomorrow? Can I date you?"] kumunot ang noo ko.


"Hindi pwed-"


"Jara!!" napatingin ako sa lalaking pumasok sa pintuan ng balcony ko. At mukhang hingal na hingal.


"Jino?"


["Jara? Andyan si Jino? Hello?"]


kinuha sakin ni Jino yung cellphone ko at pinatay.

"A-akala ko kung ano nang nangyari sayo.. I-i was trying to call you again.. But, your phone was busy.. Uhhm..-"

"Jino!!" natumba kasi siya bigla, pinilit niyang tumayo kaya tinulungan ko na siya.


"Hey?!" tinapik ko yung pisngi niya pero hinawakan niya lang yung kamay ko. Doon ko na lang naramdaman na mainit siya. Hinawakan ko din yung noo niya pati yung leeg. Ang hot- este, ang init niya!


"Bakit ka sumugod dito?! Nagpaulan ka ba kanina?" hindi niya sinagot yung tanong ko kaya kumuha ako ng face towel sa drawer ko at ng yelo. Nilagay ko yung yelo sa tabo pati yung face towel at pinunas sa mukha niya.


"Don't.." napaface palm siya at naupo sa couch. Muntik pa nga siyang mapahiga ulit.

"Huh? Anong don't? Hindi naman kita papabayaan dito na mabulok sa sakit no!" tumango lang siya at nahiga ulit. Pinatong ko muna yung face towel na malamig sa noo niya para malamigan naman at hiniga ko muna yung ulo ko sa tabi niya. Antok na antok na talaga ako.

Loving a VAMPIRE. (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon