Chapter 16

5.7K 185 2
                                    

Short update! Denelete ko na yung English Version. TAT Sorry~
---


"Easy ka lang." kanina pa kasi siya bumubuntong hininga.



"Eh! Ano ba kasing ginawa niya sayo?" sabay pout pa niya kaya napatawa ako ng mahina.



"Wala. Kung maka-react naman to. Boyfriend ba kita?" tumango siya ng tumango at nagpacute pa.



"Hindi ka pa nga nanliligaw eh." sabay smirk ko



"Sasagutin mo ba ako?" tumango ak at nginitian ko siya.



"T-talaga?!"



"Sasagutin kita ng hindi." sumimangot siya pero ngumiti na naman.



"Pero hindi na kita kailangang ligawan kasi boyfriend mo na naman ako."


"Asa. Ikaw lang naman ang nagke-claim."



"Really? Kaya pala patingin-tingin ka pa sakin kanina na parang naghihingi ng permiso kung pwede mo ba siyang kausapin."



"Dony!" sinamaan ko siya ng tingin pero mukha lang siyang tanga doon na nakangiti.



"Suuus!" inirapan ko na lang siya at bumalik na sa counter dahil medyo dumadami na ang costumer.



"Ang sweet niyo! Gaaaah!" napatingin ako kay Chim nang bigla niya akong kurutin.



"Edi kayo na lang!" umiling siya



"May Rico na ako." tumango na lang ako. Si Rico? Boyfriend niya.



"Pero *squeeeels* kinikilig akoooo!" napatigil siya si Chim ng batukan siya ni Karla.



"Tigil! Kay Jino lang yan!" nagtarayan silang dalawa.



"Baka kayo ang magkatuluyan niyan ah." parehas silang umaktong nasusuka at nung magkatinginan na naman sila ay parehas ulit silang nagirapan.



"Chim, si Rico nasa table 1." sabi ni Kuya Sev kaya kumaripas si Chim



"Karlo, I mean- Karla. Si Tita nasa table 6" tumango lang si Karla at umalis na. Pero inirapan muna niya si Kuya Sev. Haha!



"Ako? Walang naghahanap sakin?" nginitian ako ni Kuya Sev



"Meron. Dalawa. Si Dony nasa Table 4. Sabihin mo sa kanya na oras ng pagtatrabaho. Si Jino nasa table 5. Pumili ka lang ng pupuntahan mo." sumilip ako at nakita ko silang dalawa. Kailangan magkatabi ang table?!



"Hoy, magtrabaho ka." hinila niya lang ako at pinaupo sa tapat na upuan. Yes, I chose Dony.



"Nagpaalam naman ako kay Manager." tumango na lang ako.



Tinignan namin parehas si Jino na tumayo sa upuan at.. umupo sa gitna namin



"So, kayo nga?"



"Oo." parehas naming sabi ni Dony. Tinignan ko si Dony at nakita kong nakanganga lang siya sakin.



"Interesting." tumayo siya at naglakad na naman paalis.



"Y-you? Are you my girlfriend now?" tinaasan ko siya ng kilay



"Sa harap lang ni Jino. Wag kang ano." sumimangot siya and the he looked away



"Pinapaselos mo ba? Gusto mo na ba siya?" hindi ako makasagot.



Gusto ko na ba siya? Pero ang ikli naman ng panahon simula nung magkakilala kami. Impossible yun.



"That's not impossible." napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang seryoso akong tinitignan.



"That's not impossible to have a crush on someone you've just met in a short period of time. Bakit ako? Bakit nagustuhan kita agad?" yumuko na lang ako. I don't know.



-------
Hello kay Franz Gugol at kay Moyra Mayor! Hello mga par! Kung binabasa niyo man to. Hahahaha! Feeler amp. RULE #1!!!! TAT

Loving a VAMPIRE. (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon