Chapter 39: I'll Be The One

Comenzar desde el principio
                                    

"Something you can't control." Si Sommer na ang nagtuloy ng gusto kong sabihin. Napatango ako.

"Yes." Wika ko. "That is why, I'm sorry." Napailing siya.

"Why do you guys keep apologizing." Napahinga ito ng malalim. "It's okay. I-I mean, ang ibig kong sabihin," Napalunok siya. "It doesn't matter if we love the same woman. What is still important to me is our relationship Ate Adriana. Ayokong masira 'yun ng kahit na sino o kahit na ano, kaya masaya ako para sayo."

Tears welled up in my eyes when I heard what she said, especially the word 'Ate.' She used to call me like that before. And that was the sweetest word I ever wanted to hear from her again.

"Stupid eyes!" Saway ko sa aking sarili bago mabilis na pinunasan ang luha sa aking pisnge. Dahilan upang mapatawa siya. "You made me cry." Sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya. Iiling-iling lang naman itong naka tingin sa akin habang tumatawa.

Pagkatapos ng ilang sandali, parehas kaming na tahimik habang naka tingin sa kawalan.

"I know you are preparing to propose to her." Basag nito sa katahimikan. Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti ng malawak habang kumikinang pa ang mga mata nang sabihin niya iyon.

"Yes." Kagat labi na sabi ko. Pabiro naman na hinampas ako nito sa aking braso.

"Well, congratulations!" Biglang seryosong sabi niya.

"Thank you." Pagpapasalamat ko naman. "What about you? What's your plan?" Tanong ko. She was already standing, ready to leave. Kaya tumayo na rin ako at sinabayan siya sa paglakad.

"So far I have no plans yet. But....in the meantime, I will stay in Palawan. You know how much I want to live there, isa pa, ako na rin siguro muna ang mag-aalala ng resort doon." Paliwanag niya. May punto rin naman siya.

Si Sommer kasi 'yung tipo na hindi mahilig sa yaman ng pamilya. At ang resort na tinutukoy niya, galing iyon mismo sa sarili niyang bulsa. At a young age, she was able to build such a resort. Something I admire more about her.

"But hey, don't forget to invite me to your wedding ATE Adriana, huh?" Bigay diin nito sa sinabi. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil doon.

"Of course, kiddo." Sinabayan ko siya hanggang sa makarating kami sa parking area kung nasaan ang aming mga sasakyan. Pagkatapos noon, sabay na kaming bumiyahe at huminto sa isang restaurant upang doon mananghalian.

-----

"I told you, I hate surprises! So please hon, remove this blindfold, because I can see nothing." Reklamo ko kay Rae dahil ilang oras na akong naka blindfold, sumasakit na ang mga mata at ulo ko sa totoo lang.

Ngunit sa halip na pakinggan ako nito ay pinagtawanan lamang ako.

"Later, hon." Bulong nito sa aking tenga. "Malapit na tayo." Dagdag pa niya dahil sa mga sandaling ito, naglalakad kami sa hindi ko alam na lugar. Siya lamang ang nagsisilbing alalay ko upang hindi ako matisod o madapa.

"Don't tell me you kidnapped me again." Pabirong sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay. Hindi naman nito mapigilan ang matawa ng malakas.

"Oh, hon. Trust me, pweding pwede ko iyong gawin ulit sayo. Gusto mo ba?" Sabay dagdag na tanong pa niya sa dulo. "But right now, may mas importante akong ipapakita sa iyo."

I groaned in disbelief. I did nothing but pout my lips and let her do whatever she wanted.

Natahimik ito ng ilang sandali. Awtomatiko ko na lamang din naramdaman ang pagtanggal nito ng blindfold sa aking mata.

"SURPRISE!!" Excited at masaya na sabi niya. "As I promised myself before that I will bring you here." Dagdag pa niya.

Hindi ko mapigilan ang mapa singhap nang makita ang magandang tanawin sa harapan. Dahil sa nag gagandahan at iba't ibang kulay at uri ng mga bulaklak.

"Wow!" Komento ko habang iginagala ang paningin sa paligid. Inihakbang ko ang aking mga paa upang malibot ang buong farm. Dahil kahit gaano pa ito kalawak, willing akong suyurin ang lahat ng ito.

"Is this your farm?" Tanong ko habang kumikinang ang mga matang nagbaling ng tingin sa kanya.

Napatango ito bilang sagot. "Wait...are we..are we in Baguio?!" Gulat na bulalas ko pa dahil noon ko lamang naramdaman ang malamig sa pag ihip ng hangin.

Napatawa ito ng malutong. "Yes, madame." Mapang-asar na sagot pa niya. "I kidnapped you again." Napapa iling ako in disbelief.

Kapag siya kaya ang kinidnap ko, magugustuhan niya? Tanong ko sa aking isipan. Kaya naman pala ang tagal ng biyahe namin. Tsk!

"Do you like it?" Tanong niya at binalewala lamang ang pagbubusangot ko. But of course, deep inside kinikilig ako. Ikaw ba naman ang dalhin ng girlfriend mo sa hundreds of types of flowers hindi ka ba kikiligin?

"Yes, hon. I love it!" Nagniningning ang mga mata na sabi ko sa kanya bago kumuha ng isang dandelion flower at iniipit sa kanyang tenga.

"I'm glad you liked it." Kagat labi na sabi nito bago ako tinignan ng malagkit. Halatang nang-aakit. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapalunok.

"You're such a tease! You know that?" Sabi ko at pabirong pinalo siya sa kanyang pwet. Nauna na akong humakbang, agad naman na sumunod siya.

"Aha! And as far as I know, I deserve a....kiss?" Sabay ngusong sabi nito sa akin. Ngunit nag kunwari lamang ako na walang naririnig at tuloy-tuloy lamang sa paglakad nang bigla ako nitong hilain sa aking balakang at mabilis na hinapit palapit sa kanyang katawan.

Napatawa ako ng mahina. Muling hinarap ko ito habang mag kadikit parin ang aming mga katawan.

"What are you saying?" Pang-aasar ko rito before I looked at her with my most innocent look.

Napahinga siya ng malalim. "I said, I want kiss." Sabay nguso na dagdag pa niya na parang bata na nag dedemand.

I playfully pulled her hips closer to me, while staring at her kissable lips.

"I don't know how to do that. Can you teach me?" I said to her habang napapataas baba ng aking kilay. She raised an eyebrow as she looked at me with 'don't tease me look'

Ugh! Such a hot goddess.

Natawa ako ng mahina habang tinititigan siya sa kanyang magandang mukha. Marahan na iniipit ko rin sa likod ng kanyang tenga ang ibang hibla ng kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha.

"I love you..." Buong puso na sabi ko at dahan-dahan na inilapat ang aking labi sa kanya. Malugod at agad niya rin iyong tinanggap at mabilis na ginantihan.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit nito sa akin nang unti-unti kong laliman ang halik na aming pinagsasaluhan, maging ang pag ngiti nito ng palihim sa kanyang sarili.

Noon ko naman naisip ang pinaghahandaan kong proposal sa kanya, palagi kong dala-dala ang singsing na iaalok ko sa kanya sa araw na iyon, kahit kinakabahan, alam kong magiging worth it ang lahat.

Because she is worth fighting for.

Pero, ito na nga ba ang tamang panahon? Sa gitna ng napakaraming bulaklak na ito?

HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora