Chapter 34: The End Is A New Beginning

3.5K 153 9
                                    

Adriana





Maagang-maaga pa lamang kinabukasan ay pumunta na ako sa mansion kung saan bihag ni daddy si Zion. Sa wakas, pagkatapos ng halos dalawang linggo eh natupad ko rin ang bagay na iniiwasan kong mangyari. Dahil sa ngayon, handa na akong harapin ito.





Nasa dibdib ko parin ang galit at puot dahil sa nagawa niya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan ang pait na ibinigay nito sa akin. Ang puno't dulo ng lahat kung bakit hindi na ako nagagawa pang tignan ni Rae katulad ng dati. Kinuha niya at inilayo nito sa akin ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Ngunit nakapag desisyon na ako, alam kung mahirap, pero alam ko rin na tama itong gagawin ko.




Ang patawarin ito. Lately, ang dami-dami kong gustong iparanas kay Zion. I want him to suffer like me. I want him to feel the pain I am experiencing now. Pero....alam kung kahit na anong gawin ko, hindi na magbabago pa ang katotohanan na nawala na ang alaala ni Rae. At isa pa, kapag ginawa kong idaan sa dahas ang lahat katulad niya, wala na akong pinagkaiba sa kanya. Magiging katulad na rin niya ako.




Alam kong may paninindigan ako, katulad ng sinabi ko noong una, hindi ako tumitigil hangga't hindi ko naparurusahan ang mayroong kasalanan sa akin, pero nagbago na ang lahat ng iyon the moment I saw Rae. She really changed everything about me. Ang matigas kong puso ay malambot na ngayon dahil sa pagmamahal niya.




Pagmamahal niya na hindi ko alam kung saan na napunta ngunit alam kong babalik iyon, in the right time.



I want to forgive Zion not because he deserves it, but because that is what Chesca wants for me. And even though Rae remembers me now, I know that's also what she wants me to do, to forgive.




And one more thing, I will do it for myself. Because I do not want to be imprisoned forever in the past. Maybe the suffering that Zion experienced when I accidentally shot her wife was enough. That to this day my conscience continues to haunt me.



"What does it feel, Adriana? Huh? How does it feel to be forgotten by the person you love?" Sabay ngisi na tanong nito sa akin noong nasa harapan na niya akong muli.



Maga ang magkabilaang mata nito, basag na nguso at duguan ang damit. Naka gapos ito sa isang bakal na silya, habang ang kanyang dalawang paa ay nakatali rin. Halatang nanghihina na ito at nangayayat na rin dahil for sure, kahit tubig ay hindi siya binibigyan ng mga tao ni daddy. His lips were dry and his skin was yellow.



Pinilit kong huwag magpakita ng ano mang emosyon sa sinabi nito, bago ibinuhos sa kanyang mukha ang tubig mula sa balde na aking hawak. Uhaw na uhaw na napapadila ito sa kanyang labi na nabasa ng tubig.



"Kill me Adriana, just like you did to my wife. So that I can be with her again, please." Pakiusap nito at biglang na paluha.



Bigla akong napatingin sa ibang direksyon, suddenly my heart ached, maybe Zion would not take revenge if I did not do that. If until now his wife is still alive. Dahil kung ganoon din ang mangyayari sa akin, gagawin ko rin ang bagay na ginawa niya, pero iba ang sitwasyon namin ngayon, wala mang maalala si Rae pero buhay siya. Patuloy na nakikita ko ang mga ngiti niya at naririnig ang boses niya, hindi katulad sa yumaong asawa ni Zion.



Naghintay muna ako ng ilang segundo bago muling sinalubong ang mga mata niyang nalulungkot.



"I'm sorry, Zion. But I will not kill you because I am not like you. I want you to regret what you did for the rest of your life, because I would not have killed your wife if it had not been for you. Because you, yourself, brought her into such this situation." Ramdam ko ang pag galaw ng aking sariling mga panga. Totoo naman ang sinasabi ko, diba? Hindi mangyayari iyon sa asawa niya kung hindi dahil sa kanya.



HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now