Chapter 21: Fine As Wine

4.9K 170 48
                                    

Rae






Ang bilis lang lumipas ng mga araw, unang linggo na ngayon simula ng maging official na girlfriend ko na si Adriana. Hanggang ngayon, hindi parin ako mapakaniwala na sa tuwing gigising ako sa umaga, na ang magandang mukha nito ang mumungad sa akin. Bago kasi ito papasok sa kanyang opisina at kung saan man na schedule na meron siya, palagi siyang dumadaan sa Penthouse para gisingin ako o ipagluto ng agahan. Sa kanya na mismo ipinagkatilwala ni Jess ang bagay na iyon dahil madalas, hindi ako nakikinig sa manager ko. Hindi kasi ako morning person, you know. Hehe.




At simula noong maging kami na talaga, finally, dinala na niya ako sa kanyang condo. Her condo is very nice and comfy. Mas gusto ko na nga yata na doon tumira kaysa sa Penthouse ko eh. Makakasama ko pa siya at makakatabi palagi sa gabi sa pag tulog.





Hanggang ngayon, hindi parin ako sanay na tinatawag niyang honey. Whenever she calls me in such endearment, you can expect my whole face to turn red. And then she can't help but giggles and pinches my cheek.




Sa meeting, taping o maging sa iba ko pang ginagawa, palagi kaming magkausap sa telepono. Minsan kapag break ko, inilalaan ko ang lahat ng oras na 'yun para lang makausap siya. Ewan ko ba, ang sarap lang pala kasi sa pakiramdam na kahit gaano ka pa ka stress o kahit gaano pa nakakapagod ang araw mo, basta alam mong may isang tao na pwede mong pagsabihan ng lahat ng iyon, kusa na lamang napapawi ang lahat ng pagod na nararamdaman mo, na parang magic.




And as for what happened during the event, until now people still talk about us, especially on social media. But Adriana and I are happy because most of the comments we see are congratulations. But there are some who do not like what happened because we are both women, but it's okay. Ang mahalaga, mas marami parin ang tanggap kami at masaya para sa aming dalawa.




"We're here." Natigilan ako sa aking malalim na pag-iisip nang marinig ang boses nito habang ipinapark ng maayos ang kanyang sasakyan.




Agad na natanaw ko mula rito ang kulay asul na dagat, mga nagtatawanan at naghahabulan sa dalampasigan na mga kabataan at magkakaibigan. Isama mo na rin nagkalat na foreigners sa paligid. Dahil weekend ngayon kaya siguro maraming tao at pamilya ang nasa outing.




Nandito kami ngayon sa La Union, kung saan pag mamay-ari mismo ni Breeze ang resort na ito. Nandito na rin daw sina Billy at ang partner nito na si Aerin at kami nalang ang Adriana ang tanging hinihintay. Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba sa aking dibdib.




"Jeez." Kinakabahan na sambit ko. "I'm nervous." Dagdag ko pa. Agad na natawa naman ito bago ini-unlock ang kanyang seat belt, ganoon din ako.




"Ikaw? Kinakabahan? At bakit?" Taas kilay na tanong nito sa akin.




"Of course! They are your friends and ngayon ko lang sila makakasama." Pagdadahilan ko pa. Actually, kagabi pa ako hindi makatulog. Hindi ko alam kung papaano pakikisamahan ang mga kaibigan ni Adriana.




I mean, yes. I've meet them before, pero iba ngayon na makaka kwentuhan at makikipag daldalan ako sa kanila. Kahit naman nandoon sila sa event last time, hindi ko parin sila nakasama katulad ng ganito ngayon dahil agad kaming umalis ni Adriana noon. Lalo pa at wedding anniversary nina Breeze at Catherine ngayon. I don't even know if this is the right gift I bought for them. Gosh!




Naramdaman ko naman ang malambot na palad ni Adriana habang hinahaplos ang kamay ko.




"Just be yourself, hon. And one more thing, I am with you. Okay?" Awtomatiko na namula ang aking pisnge sa sinabi nito. Aww. Sweet! Binigyan ko ito ng ngiti pagkatapos ay napatango.




HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now