Chapter 30: My Sleeping Beauty

3.2K 136 45
                                    

Adriana





Isang linggo at mahigit na ang nakalilipas simula noong mangyari ang malaking pagsabog sa concert ni Rae. Napaka daming inosenteng tao ang nadamay sa pangyayari. May iilan ang nasawi at marami ang sugatan na hanggang ngayon ay nasa hospital parin.




Laman ng napakaraming balita at dyaryo ang nangyaring insedente. Kabila at kanan ang nag-aabang na mga reporter mula sa labas ng hospital kung nasaan ngayon naka confine si Rae. Ganoon din sa labas ng main restaurants kung na saan ang aking opisina, sa labas ng aking condo at maging kay Rae. Sa baylight kung saan madalas ang kuya nito na si Ryan na hanggang ngayon ay sugatan parin dahil sa nangyari.




Hanggang ngayon ay patuloy na ini-imbestigahan parin ng mga awtoridad ang nangyari at dahilan ng pagsabog. Wala parin ang nakakaalam kung ano ba talaga ang naging dahilan, pero ako? Alam ko kung sino ang may kagagawan noon.



Si Zion.



He can't hide from me forever. I can find out where he is and I am sure I will stop his evil. Dahil sa kanya, hanggang ngayon ay wala paring malay si Rae.




Ang sabi ng doctor nito, hindi nila alam kung kailan siya magkakamalay. Wala ring makapagsasabi kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ito nagkakamalay. Pwede raw itong abutin ng weeks, months or even years dahil sa sobrang lakas ng pagbagsak ng kanyang ulo. Marami rin kasi ang nawalang dugo sa kanyang katawan bago pa man ito maisugod sa hospital, isama mo na rin ang masyadong nabagok ang kanyang ulo. That is why only she can decide when she will open her eyes again or worse she could not open it again. And that's one of the things I don't like and I'm afraid it will happen.




Simula noong magising ako dahil nawalan ako ng malay noong araw din na iyon, hindi ko na muling ipinikit pa ang aking mga mata. Buong araw at gabi, gising ako at hindi ko gustong matulog. Ayaw kong matulog. Mas gusto ko ang gising at inaabangan lamang ang muling pag mulat ng mga mata ni Rae.




Gusto ko, ako ang unang makikita nito oras na magising na siya. Ako ang unang na riyan sa tabi niya kapag kinailangan niya, ako ang unang maghahalik sa kanya at ang unang tatawag sa pangalan niya. I miss her. But I can wait until she can finally recover.




I know she's strong enough para malampasan ito, para sa sarili niya, sa kuya nito na hanggang ngayon ay hindi parin magawang makita siya dahil sa kalagayan niya. Para sa mga taong umaasa na muli siyang makita, sa milyon-milyong fans na naghihintay at patuloy parin na nagmamahal sa kanya sa kabila ng kalungkutan na kanilang nararamdaman, dahil sa sinapit ng kanilang iniidolo. At syempre, para sa akin...na hinding-hindi magsasawang hilingin sa Panginoon at ipagdasal na sana ay bigyan pa nito kami ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pagmamahalan namin. I know she can do it. And she will.



Please, Lord. Please give me more strength to face every day to see her unconscious. Gusto ko lang naman na makasama na siyang muli, pero kahit pa gaano iyon katagal, maghihintay ako. At hindi ako aalis sa tabi niya. Mananatili ako sa tabi niya at hinding-hindi ako mawawala. Panimula ko sa aking pagdasal habang nakayuko at hawak lamang ang kamay ni Rae.



I know I'm not a good person, but I just want to ask you to protect her. She's the only woman I want to be with forever, Lord. So please, please I'm begging you...huwag naman pati siya eh kunin niyo sa akin.



Marami pa akong plano, gustong gawin at pangarap para sa amin. Marami pa akong pangako na gustong tuparin sa kanya. Huh? Ibulong niyo naman sa kanya na naghihintay lang ako. Maghihintay lang ako. Na huwag siyang magmadali. She can take her time to heal at dito lang ako.




HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now