Chapter 9: Change Of Heart

5K 221 10
                                    

Rae




I don't know why Adriana was so annoyed with me. Well, maybe in the first place it was my fault, masyado kasi akong nagiging presko pagdating sa kanya. At inaamin ko na hindi talaga ako iyon, ngayon lang ako naging makulit ng ganito. Gusto ko lang naman na mapansin niya ako, pero mukhang napasobra na yata ako to the point na ipinagtatabuyan na niya ako ng paulit-ulit.

Malungkot na naka pangalumbaba lamang ako dito mula sa loob ng aking penthouse habang iniisip ang nangyari noong nakaraang kagabi. Hindi kasi talaga ito sumakay sa aking kotse kahit ilang beses ko pa siyang pilitin. She prefers to take a taxi than to be with me in a car.

At iyong first kiss namin ni Adriana? Hinding hindi ko iyon makakalimutan. Pero parang mayroong nagsasabi sa akin na mali parin 'yung ginawa kong panghahalik sa kanya.

Maybe it's because my actions and the attitude that I show her are not right. And I have to change that, I have to correct it. I have to show her how desperate I am to be with her but in a good way. Right?

"Masyado naman yatang malalim ang iniisip mo." Rinig kong komento ng isang boses dahilan upang mapatalon ako sa gulat mula sa aking kinauupuan.

"Kuya!" Excited ang boses na wika ko ng makita ko ang aking kapatid bago mabilis na napatakbo palapit sa kanya at agad na niyakap ito ng mahigpit.

"Hey baby sis. Girl trouble?" Tanong nito sa akin bago kami muling naupo sa couch. Napatango ako.

"I thought you were mad at me?" Tanong ko sa kanya habang mataman siyang tinititigan sa kanyang mukha.

"And why would I?" Ganting tanong naman nito sa akin.

"Because I also like the girl you like?" Patanong na sagot ko rin bago napatawa ng mahina. Kusa itong napailing at muli akong niyakap. Ganon talaga, baby sister niya ako eh. Hehe.


"It hurts to know that my rival is my sister, but what can I do? We are both Lewis, we have the same taste in women." Paliwanag niya bago muling kumalas sa pagyakap. "So no, I am not mad." Sinasabi niya iyon habang nakatitig sa mga mata ko.


"But I'm here to give you a few tips on courtship. Masyado ka kasing palpak pagdating sa bagay na 'yun at hindi tama 'yun." Agad na napatawa ako sa sinabi niya atsaka pabiro siyang hinampas sa kanyang braso.


"That's absurd." Pagdadahilan ko naman. Alam kong sa kanya madalas magreklamo si Adriana, kaya siya nandito dahil doon.


"Seriously." Muling tugon niya. "You have to be romantic, be sweet to her, be sensitive to everything especially when it comes to her because we are all different. You always have to adjust because you are the one who want to catch her heart. You need to show her the best you can be. Do you get me?" Napa tango ako atsaka napa isip rin. May point si kuya, at tulad nga ng sinasabi ko, kailangan kong baguhin ang attitude na ipinapakita ko sa kanya.


"You should not rush someone to love you, it will come at the right time. Let her fall for you. It's best to get to know her first. Find out her favorites, her weaknesses, what her favorite movie or song." Sabi nito sa akin habang naka ngiti. "Haranahin mo siya...ng paulit-ulit." Dagdag pa niya.



Awtomatikong napa nguso ako dahil ngayon lamang nagiging malinaw sa akin ang lahat, at tama si kuya sa lahat ng aspekto ng sinasabi niya.



"Actually, lugi kaming mga lalaki sa inyong mga bisexual." Natatawa na sabi pa nito kaya napatawa na rin ako.


"W-why?" Walang ideya na tanong ko pa.


HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now