Chapter 10: Just Friend, Huh?!

4.8K 223 43
                                    

Adriana






It's been two weeks since I last saw Rae in Baylight. After that she never appeared again. Hindi na rin ito muling nangulit pa tulad ng nakasanayan niyang gawin.




At sa loob ng dalawang liggo na iyon, patuloy na iniiwasan parin nito ang kayang Kuya Ryan. Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya, sinubukan din daw nitong puntahan si Rae sa kanyang penthouse pero palagi itong wala roon.




Marahil sobra talaga itong nasaktan noong gabi na iyon. But if she only knew the truth, her brother only did that to protect her from me. Dahil alam nito kung ano ang panganib na pweding kong dalhin sa kanyang kapatid kapag nagpatuloy pa ito sa kanyang ginagawa.




Flash back:



"That's the most stupid thing you did ask to me, Ryan." Galit na singhal ko sa kanya paglabas nito, pagkatapos naming magtalo ng aking pinsan na ngayon ay kasama ng muli si Rae.



"What? I just want to protect my sister." Pagdadahilan naman nito na sobrang napakalinaw naman talaga ng kanyang intensyon. Galit parin na tinitignan ko siya sa kanyang mga mata habang nagpaparoon at parito.



"Tignan mo ang nangyari, nagtalo kami ng pinsan ko ng hindi naman dapat!" Ito kasi ang kauna-unahang pinagtaasan ako ni Sommer ng boses. At alam kong dahil kay Rae iyon, I'm not stupid para hindi makita kung gaano kalaki ang pagtingin nito para sa kapatid ni Ryan.



"Please, Adriana." Pagpapakalma nito sa akin. "She's my sister, and I will do everything for her. I'm sorry if I used you to make my sister jealous." Dagdag pa niya. " Pero 'yun lang kasi ang paraan na naisip ko para sa layuan ka niya."



"And what about you?" Diretsahan na tanong ko sa kanya. Sandaling napayuko ito.



"Alam natin pareho na gusto kita. Pero alam din natin pareho na hindi mo ako magagawang mahalin pa, at tanggap ko 'yun." Pag-amin nito.




"Pero higit sa lahat ang kapatid ko, alam kong hinding hindi mo hahayaan na pumasok siya sa buhay mo dahil kay Chesca. Dahil siya parin....siya parin hanggang ngayon." Natahimik ako at the same time, pinipigilan ang magpakita ng kahinaan sa harap ni Ryan. Dahil hanggang ngayon, sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, sobrang apektado parin ako. At sobrang nasasaktan parin ako.




"Rae is innocent, Adriana." Muling wika ni Ryan dahilan upang bumalik ako sa realidad. "I don't wanna hurt her, but if I have to do it again I will do it, kaysa sa ibang tao ang makasakit sa kanya." At alam kong ako ang tinutukoy niya. "And she's crazy enough about you. I have no regrets about what I did because it's better hurt her now than later." Bago ako nito muling tinalikuran.



End of flashback:




Maswerte si Rae dahil mayroon siyang kapatid na handang gawin ang lahat para sa kanya, kaya hanga ako kay Ryan. Hindi lahat gugustuhing saktan ang nararamdaman ng mahal nila sa buhay, para lamang mailayo sa taong pweding makasakit sa kanila.




Ngunit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko these past few weeks, dahil simula noong makabalik ako galing sa Macau, mayroong bagay sa akin na si Rae ang hinahanap nito.




As we stared and smiled at each other that night at the Baylight, there was an electricity running through my stomach that I could not explain. Everytime na magtatama ang mga mata namin, para bang ayaw ko ng alisin ang paningin ko sa kanya, pero palagi kong nireremind ang sarili ko na isang pagkukunwari lamang ang lahat ng iyon.



HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon