Chapter 23: Hidden Agenda?

137 13 104
                                    

CHAPTER 23

Sandara's POV



"Kanino tong parang invitation?"



Napaharap naman ako kay Carol. "Hmm, ewan hehe... tapon mo nalang please Carol..." sabi ko kaya tumawa siya at naglakad na sa trash bin.



Pero wait!



Invitation? Di ba yun yung invitation na dapat ibibay ko kay Angel Savior? Yung napulot ko nung una kaming nagkita? Di ba sa kanya yun? Huhu, pero hindi ako sure kung sa kanya talaga eh... ibibigay ko nalang sa kanya bukas! Tama!



(A/n:Sa mga makakalimutin po... nasa Chapter 2 po siya, yung pag-alis ni Angel Savior doon sa may mga bench pagkatapos nilang mag-usap, may napulot siyang invitation na dapat ibibigay niya kay Steve pero hindi niya mabigay-bigay... sana nakatulong para maalala niyo haha.)



Tumakbo ako papunta sa trash bin at hinanap yung invitation na iyon. Huwa! Ayun! Buti nalang naalala ko, ang galing ko talaga sa mga memories ano? Hehe.



"Oh? Akala ko ba itatapon mo na yan?" tanong ni Carol habang nag-aayos ng kama.



Huhu. As usual, siya matutulog sa kama tapos ako sa sahig. Susyalin siya sabi niya eh kaya eto ako matutulog sa sahig huhu.



"Ah, hindi na. Ibibigay ko nalang kay Angel Savior hehe..."



Kumunot ang noo niya. "Angel Savior?" Tumango ako. "Wait what? Who's that?"



"Si Steve si Angel Savior, Carol hehe," sabi ko bago nagkamot ng ulo.



Bumuntong hininga si Carol bago humiga sa kama 'ko'. "Fine."



"Uh, Carol..." bulong ko nang mapatay ang ilaw sa tabi ng pinto.



"What? You scared down there?" tanong niya pero parang pabalang o guni-guni ko lang.



"Hindi naman hehe... sanay na akong matulog dito lalo na pag nandiyan ka hehe..." sabi ko at humiga sa banig.



Syempre may banig no! Alangang wala huhu, edi nilamig na ako.



"Tss. So, what do you need? And please make it fast 'cuz I'm sleepy," mataray na hiling niya.



Huhu ano daw? Siya si Sleepy? Kailan pa siya naging si Sleepy? Ang alam ko eh Carol ang name niya? Nakuu, inaantok na siguro to.



"Uhh hehe... Carol kasi..."



"What?"



"Nasuntok ni Tatay si Angel Savior dahil sa ginawa mong pag-accuse sa kanya na ex mo siya eh dapat yung ka-kambal niya yung sinisi mo," medyo galit na sabi ko.



Eh totoo naman eh huhu.



Tumawa niya ng mahina. "Ars... Steve had no twin and he's really my ex."



Umiling nalang ako at hindi na sumagot.



Huhu, antok niya lang yan, dapat itulog na. Hays! Ang sarap i-text ni Angel Savior kung naka-uwi na ba o ano pero huwag nalang kasi baka busy.



Papikit na sana ako nang tumunog ang phone ko. Agad-agad kong kinuha ito at napangiti nang makitang si Angel Savior ang lumabas.



Si Angel Savior talaga... pag-iniisip ko biglang susulpot hehe.



My Angel Savior Is A Gangster || revising Where stories live. Discover now