Chapter 22: Changes

151 13 121
                                    

CHAPTER 22

Sandara's POV


"Your ex?"


Napaharap ako kina Kuya at unggoy na kunot noong tinanong si Carol. Napabuntong hininga ako nang makita ang masamang titig nina Nanay at Tatay kay Angel Savior.


Bumuntong hininga ulit ako habang nakatingin sa kanila. Pati ako ay nagulat rin sa sinabi ng pinsan ko.


Huhu, pano kung may kambal lang pala si Angel Savior? Tapos akala niya ex niya si Angel Savior pero hindi naman talaga? Ay nako! I-imbestigahan ko nga si Carol mamaya hmp! Baka mamaya eh prank niya lang pala to.


Hindi nagsalita si Carol at tumingin muna kay Angel Savior saka sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking kamay.


"Yes, he is," kalaunang sabi ni Carol bago tinaas ang kilay. Tila may sasabihin pero agad ding pinigilan.


Pinakatitigan ko si Carol. Grabe! Ang ganda ng datingan niya ah, halatang galing airport. Nakasoot kasi ng ng Cream coat at naka pony tail ang kanyang buhok. May soot din siyang white v-neck t-shirt at blue faded jeans. Ang yaman ng dating huhu, naol.


Tinignan ko naman si Tatay na kagagaling lang sa hospital doon sa ibang bansa. Nakasoot siya ng simpleng white v-neck t-shirt katulad ng kay Carol at naka black faded jeans na may butas-butas na mas nagpakita ng kakisigan ni Tatay. Nagmukha tuloy siyang mas bata kay Nanay huhu. Pero namana ni Kuya yung Hazel eyes niya na parang light brown eyes kay Tatay. Nakakainggit nga kasi ako hindi ko namana huwaa.


Agad kong hinarap si nanay nang lumapit siya kay Angel Savior. Nagulat kaming lahat nang dumikit ang palad niya sa pisnge ni Angel Savior.


Hinila ko si Angel Savior papunta sa likod ko at tinignan siya. Nakita kong gulat ang ekspresyon ng mukha niya na may pinaghalong sakit na mas nakapagpakulo ng dugo ko.


Huminga ako ng malalim. "Nay! Bakit mo ginawa yun?!"


Tinignan ko ulit si Angel Savior nang hinawakan niya ang braso ko at umiling. Pinapahiwatig na huwag ituloy ang binabalak ko.


Pero hindi eh! Kasi hindi naman niya ex si Carol! Wala namang sinabi ni Angel Savior na meron siyang ex kaya pinapaniwalaan ko yun. Pero kung hindi nila papakinggan ang side ni Angel Savior... ako na tatapat sa kanila kung ganon.


"Kailan ka pa sumigaw sa ina mo Sandara?!" Napapikit ako sa sigaw ni Nanay.

"Bakit hindi niyo muna pakinggan ang side niya? Hindi yung bigla-big—"

"Sandara, huwag mo nang ipagtanggol ang lalaking yan! Sinaktan niya ang pinsan mo, pero siya parin ang pinagtatanggol mo?! Kaano-ano mo ba yan hah?" galit na tanong ni tatay habang masama ang tingin sa taong nasa likod ko.

Ano nga ba kami?


Basta ang alam ko... binago ako ni Angel Savior sa hindi ko alam na dahilan... wala akong kaalam-alam kung ano ang binago niya, pero palagi siyang nandiyan para sa akin. Palagi niya akong nililigtas, palagi kong naririnig ang pag-aalala sa boses niya tuwing nakikitang nasasaktan ako. Pero ano nga bang binago niya para sabihin kong meron? Hindi ko alam...


"Tay... manliligaw—"


"Manliligaw?! What the heck, you have no respect in our family!" duro niya kay Angel Savior, "Pagkatapos mong saktan ang pamangkin ko, ang anak ko ang isusunod mo?" bawat salita ni Tatay ay may diin na para bang kaya kang saksakin ng salita niya.


My Angel Savior Is A Gangster || revising Where stories live. Discover now