Chapter 6: Makeover

519 58 119
                                    

CHAPTER 6

Sandara's POV

Wahh! Ang sarap talaga ng kwek-kwek, sayang nga lang at wala ng kikiam at fishball, naubusan na kami eh! Kaya yung kinain ko nalang ay yung kwek-kwek, fried isaw, yung inihaw na isaw, dugo, saka hotdog! Bumuli narin kami ng calamares, saka balat ng manok na tig dos. Sayang kaya ang libre no! Minsan lang siya sa buhay ko kaya sinulit ko na hihi.

Ayaw din kasi ni Pauline eh, kadiri daw kasi parang may black-black yung inihaw, eh syempre! Inihaw nga diba? Tapos ayaw niya daw ng kwek-kwek kasi daw mukhang kinulayan yung pagkain ko kasi kulay orange, hay nako! Sabi ko nga, don't judge the food by it's appearance, kasi akala mo pangit ang lasa yun naman pala napaka sarap!

Oo nga pala, hinatid ako dito sa bahay ni Pauline, saka wahh! Nagpakilala din siya, siya daw si Pauline Alcantara, charot! Si Pauline Jepalto, nagulat nga ako nung sinabi niyang siya ang model ng school namin, kaya naman pala di ba? Ang ganda niya kasi talaga! Tapos fashionable! Medyo naiba nga lang dahil magulo yung buhok, damit, mukha niya kanina. Pero maganda parin, ang gulo ko! Hay nako!

Kumatok ako sa pinto ng bahay bago pumasok. "Nandito na akoooooo!!!!!!!" Sigaw ko with full of energy, ganyan dapat para healthy ang bahay.

Pumasok na ako ng tuluyan sa bahay bago nilagay sa may hagdanan yung sapatos ko, dapat kasi naka-assemble siya.

"Ang ingay mo Jhelatin." Iritang sabi ng kapatid kong unggoy bago ako tinabig sa may hagdan. "Tabi nga! Paharang-harang kasi, ang taba-taba. Tsk. Tsk." Iling-iling na sabi niya bago humakbang pataas.

Aba sumusobra na tong unggoy na to ah! Ang ganda-ganda ng bungad ko eh!

"Hmm! Yan, yan." Sabi ko nang paluin ko yung pwet niya.

"T*NG INA NENTO!"

"HOY, BATA KA! MAG MURA KA PA SIGE! PUPUTULIN KO TALAGA YANG DILA MO. ABAAA! PUMAPATOL KA NA SA MAS MATANDA SAYO, HAH?" Galit na sigaw ni Nanay habang may hawak na kutsilyo. Nung una nagulat ako kasi baka ihagis niya huhu, pero napangisi naman ako ulit.

Hinarap ko yung kapatid ko bago siya dinilaan. Blehhhh! Buti nga sayo, hmp!

Sinamaan niya ako ng tingin pero dinilaan ko lang siya ulit, hmp! Para talagang unggoy tseh!

Aakyat na dapat ako at uunahan ang kapatid ko nang paluin ako ni Nanay sa pwet.

PWET KO NA NAMAN? HUHUUU, BA'T BA GUSTONG-GUSTO NIYO YUNG PWET KO!

"Ikaw din babae! Pumapatol kana sa mas bata sayo?" Napangisi naman yung kapatid kong kaninang nakayuko kaya nairita ako, siya kayaa!!

"Oo nga Jhelatin, bata pa ako, pinapatulan mo na ako, ikaw ah." Tukso niya pero binigyan ko siya ng mapatay na tingin.

"Yakkkkk! Kadiri ka unggoy hah? Ano yun? Love with my brother lang ampeg? Yakkkk, chupe na nga lilipad na ako, hay nako nakaka-stress!" Sigaw ko bago naglakad pataas.

"Nako kayo talagang magkapatid, hindi ko alam gagawin sa inyo, ewan ko ba kung magkapatid talaga kayo, hay nako ewan, makaluto na nga!"

---

Pauline's calling....

Wahhh tumatawag si Pauline! Nakalimutan ko ding sabihin na nilagay niya yung number niya dito, ang cute niya di ba? Hihi.

"Hello Pauline! Hehe."

"Hi! Can I come to your house tomorrow?"

"Wahhh! Bakit naman! Alam ko pag may pumupunta sa bahay niyo, nanliligaw eh."

Wait...hindi kaya...wahh! Tibo si Pauline? Tapos kaya niya ako nilibre kasi wahh! Type niya ako ganon? Shemsss!

Pero wait ulit, tanga naman self, may tibo bang model ng campus? May tibo bang fashionable?

My Angel Savior Is A Gangster || revising Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon