Chapter 9: Twist In Her Mind

509 48 167
                                    

CHAPTER 9

Sandara's POV

Ano? Sumunod ba siya sakin? Hehe.

Tumingin ako ng onti sa likod ko kung nakasunod si Angel Savior pero mukha namang hindi kaya nalungkot ako.

Ang daya niya naman o-o! Huhu! Akala ko naman nag-a-acting kami tapos kunwari hahabulin niya ako huhu.

Yung mga nabasa ko kasi sa Wattpad, tapos sa mga napapanood ko, pag nag-away daw sila, hahabulin ng babae—este lalaki yung babae tapos tutulakin padikit sa pader, tapos susuntukin niya yung pader sa gilid at sasabihing, 'Babe, I'm sorry, this is all my fault' huhu, pero hindi naman pala ganon! Eh hindi siya sumunod eh! Huhu.

Eh kasi naman! Kita ko yung mukha niya kanina huhu, parang malungkot na taranta na ewan basta, naguguluhan ako sa mukha niya huhu. Ang pangit kasi eh, joke lang.

Kaya akala ko may acting kami kasi hindi naman ganon yung mukha niya, parang uncomfortable, tapos taranta na ewan, basta gulo-gulo! Parang utak niya huhu, kaya siguro ang gulo niyang kausap palagi hays, condolence.

Pero ang cool nila kanina ah? Wahh! Ang daya nga ehh! Hindi nila ako sinali sa acting-acting nila, pero infairness talaga, mukhang totoo kasi pagsumusuntok sina Elmint, tumatalsik yung dugo nila as in!

Ayyy, buti nalang pala hindi nila ako in-aware hehe, kasi baka ako masuntok nila eh, ako pa mautusan na maglagay ng ketchup sa ilong at bibig, tapos ako yung susuntukin nila huhu, ayaw ko nun! Kaya buti nalang talaga nag mala ninja ako kanina hehe.

Pero nakakalungkot parin, hindi kasi nila sinabi na gangster pala sila.

Pano ko nalaman?

Secret!

Joke lang hehe.

-Flashback-

"Dora, dora, dora the explorer—DORA!"

Lalalala~ ano pa kayang dadalhin ko hehe.

Flashlight kaya? Baka kasi may mumu dun! Mag pakita si Pennywise wahhh! Tapos si Sadaku bigla akong hawakan sa balikat huhu. Kaya dapat may flashlight para pag pinatay nila Pennywise yung ilaw, ready ako, hehe, talino ko diba? Dapat yung mga gantong talino ginagaya ng iba eh.

Aalis kasi ako hihi! Shhh ka lang! Magiging si Dora muna ako saglit hihi, balak ko ngang gupitan sana yung buhok ko tapos gawin kong parang kay Dora kaso naisip ko na magmumukha akong bunot pag ganon ginawa ko kaya huwag nalang hehe.

Wahh! Hindi na pala ako magdadala ng bag na purple! Flashlight lang naman dadalhin ko eh, pero pwede din naman, ilagay ko sa bag yung kapatid kong unggoy, hehe, pwede, pwede.

Tumingin ako sa orasan, at nung nakita kong 9:30 na ng gabi, nagpalit na ako ng damit na pajama at t-shirt na black, syempre matutulog na! Hihi.

Pagtapos kong magbihis, kinuha ko na yung pinagtagpi-tagpi kong bed sheet at kumot bago hinulog sa bintana, wahhh! Nakakatakot huhu, feeling ko mahuhuhulog ako—sayo yieee, charot.

Kinuha ko na yung flashlight ko tapos naglagay na din ako ng 100 pesos na pera sa bulsa ng pajama ko para ready kung may bilihan pa ng fishball hihi.

"Dora, Dora, Dora the explorer—Dora! Tayo'y bababa na!~" kanta ko habang bumababa sa bintana gamit yung tinali kong kumot at bed sheet.

Wahhh! Mama! Nakakatakot! Pagtumingin ka sa baba, feeling mo mahuhulog ka huhu, tapos pano na pag nahulog ako? Edi mamamatay ako? Pag hindi naman ako namatay, mapupunta ako sa hospital tapos puputulan nila ako ng paa kasi nabali nung nahulog ako? Wahhh! Mama! Ayaw ko na! Bababa na ako! Bababa na ako huhu.

My Angel Savior Is A Gangster || revising Where stories live. Discover now