Chapter 4

273 30 23
                                    


Chapter 4

              "Ang baduy mo," I commented.


"Kinilig ka 'no?" pang aasar niya.


"Ay banat ba yun? Hindi man lang ako kinilig," sagot ko at inikot ang mata ko. Tumawa siya at kinuha ang cellphone ko.


"Hoy! Buang!" sigaw ko at pilit kunin ang cellphone ko.


"It's nice hearing you speak Cebuano. Isa pa nga." pang-aasar niya.


"Akin na sabi!" sigaw ko at pilit kunin ang cellphone ko pero sa sobrang taas niya ay hindi ko makuha.


"Kunin mo, Princess. Hindi ka na baby diba?" tinignan niya ako at tinaas pa ang cellphone ko.


"Tanginamo! Akin na!"


"Oh sa 'yo na. Nakaka-awa ka naman." sabi niya at nagpa-cute. Hinablot ko ang phone ko.


Ngumuso ako at pinagpag ang skirt ko bago umalis sa terrace. Sinundan naman ako ni Coal na parang asong ngumingisi. Nauulol na yata 'tong buang na 'to.


"Anong nakakatawa?" singhal ko.


"Wala," he replied and laughed.


"Kailangan mo na magpa rehab." singhal ko bago pumasok sa sasakyan.


Sinundan niya naman ako. Pinaandar niya ang makina tsaka nag simula na magdrive. To be honest, he is a very smooth driver. Halatang ilang taon na siya nagdri-drive ng kotse. Ako, medyo reckless. Nagkakamali din minsan.


"May dadaanan muna ako saglit ah." paalam niya.


"Look, I don't care. Basta drive me home safely."


He mocked my words again and made a U-turn. I didn't ask anymore since he already told me what he was about to do. Kinuha ko ang cellphone ko at nag selfie nalang. The lighting was so good. It hits my face perfectly.



I stopped taking selfies when he stopped at a white house. He pressed the car honk sound and a few seconds later, I saw a woman running towards us. She opened the door of the backseat and went inside.


"What's up, Heather?" bati ni Coal sa babae sa likod.


"Just drive, kuya," she rolled her eyes at him and looked at me. "Aww, so pretty. Are you kuya's girlfriend?" she asked.


"Huh? No! Ew!" tanggi ko.


She giggled. "Omg, I like you na. Let's hang out soon."


Buong byahe ay nagsasalita si Heather. Nakinig nalang ako dahil nakakaaliw siya magkwento. Dahil may pa-actions pa and sound effects. Para bang siya ang napapaingay sa kotse. Si Coal naman ay tahimik na nagdrive. Nang nahatid na namin si Heather sa Ateneo ay nagflying kiss muna siya.

(Davao Series #1) Hold My Hand And Take Me To Parola Lavigan (ON-GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang