Kabanata 15

1.6K 38 1
                                    

Natasha's POV

Nagising ako ng nanghihina ang katawan, agad agad akong tumayo kahit sobrang hinang hina na ako.

"Nat san ka pupunta bawal kang lumabas"

"Sab pupuntahan ko si Louis kailangan niya ako"

"Nat ano ka ba naman, bawal kang mapagod at masaktan"

"Bawal mapagod at masaktan? Eh ano tong nararamdaman ko ngayon? Ano tong ginawa sa akin ni Louis? Akala ko ba bawal ako masaktan? Bakit nasasaktan ako ngayon?" Humahagulgol ako habang kumukuha ng suporta sa hamba ng pintuan.

"N-nat"

"Sab pakiusap, gusto kong makita si Louis"

"O-oo sige"

Pagkarating namin sa lamay ni Louis ay nagsimula na naman akong umiyak, habang papunta sa kanyang kabaong ay nanginginig at nanghihina ako.

Nakaalalay lang si Sabrin sa akin dahil ano mang oras ay tutumba na ako.

"Louis, ang daya mo naman eh, akala ko ba panghabang buhay tayo? Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Ako tong mahina ang puso pero bakit ikaw ang sumuko? Sabi mo sabay tayong lalaban? Pero bakit nag-iisa na lang ako ngayon?"

"Ang daya mo, ang daya daya mo louis, tangina gusto kitang saktan dahil sa pang iiwan mo sa akin, gusto kong iparamdam sayo kung gaano ako nasasaktan ngayon, gusto kitang sampalin"

"Noong gabi pala sinabi kong mahal kita sana pala hindi ko sinabi yun baka sakaling hindi mo ako iiwan ng ganito. Sana pala sinulit ko na ang gabi na yun, sana pala sinabi ko sa iyo kung gaano kita kamahal, sana pala sinabi ko sa iyo.

"Mahal na mahal kita louis, hanggang sa huli nating pagkikita, sa susunod na habang buhay" pagkatapos nun ay umalis na ako.

Ako Sayo Ikaw ay Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now