Kabanata 2

3.5K 46 1
                                    

Louis: Magandang umaga binibini, nawa'y maganda ang iyong gising :)

Natasha: magandang umaga rin, salamat :)

Kahit hindi ko siya kilala ay nireplyan ko lang siya, meron kase sa aking naudyok na sagutin ko ang kanyang mga mensahe. Pagbangon ko ay pumunta agad ako sa kusina, pagkarating ko sa kusina ay may nakita akong sulat. ALam kong si Sab na naman ang naglagay dahil may trabaho siya kaya maaga siyang umaalis sa bahay.

Magandang umaga Natasha, nagluto na ako ng agahan kaya di mo na kailangan magluto. Kumain ka na  at huwag magpapagod ha?!

-Sabrina-

Napangiti naman ako dahil sa aking kaibigan, kumain na agad ako dahil gusto kong magdilig ng halaman, wala naman kase akong magawa dito sa bahay. Pagkatpos ko kumain ay pumunta na ako sa harap ng bahay upang diligan ang mga halaman. Masaya talaga ako kapag nakikitang ko nabubuhay ang isang bagay, iyon din kase ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang magtagal sa mundo.

Nang matapos ako sa pagdidilig ay pumasok na ako sa bahay upang maligo, hindi ko rin naman kailangan linisan ang bahay sapagkat malinis naman ito. Umupo na lang ako sa beranda at nagbasa ng libro.

Nagpasyahan kong kumain na ng tanghalian dahil alas dose na, hindi naman umuuwi dito sa bahay si Sab dahil malayo ang kaniyang trabaho. Hbang kumakain ako ay binuksan ko ang aking selpon at syimpre may mensahe na naman ang Louis na iyon.

Louis: magandang tanghali, kumain ka na masama ang magpapalipas ng gutom :)

Hindi ko na lang pinansin iyon dahil wala naman akong sasabihin, niligpit ko na ang aking pinagkainan at hinugasan babalik na sana ako sa aking kwarto ng may nakita akong nakaupo sa sala. Ang tiyahin ko.

"ano na Natasha, bakit hindi ka nagpapadala ng pera sa amin ha?" galit na saad niya sa akin sabay tulak sa kaya napaupo ako sa sahig.

"eh k-kase p-po w-wala na p-po akong t-trabaho tiya" pakiramdam ko ay bumabagal na naman ang paghinga ko.

"aba kasalanan ko pa ngayon, ang arte mo kase kapal ng mukha mo di ka na nahiya sa kaibigan mo ha at talagang palamunin ka pa dito? kailangan  sa susunod na linggo ay may maipapadala ka na. Walang kwenta" iniwan niya na ako pagkatpos niya sabihin iyon, bumagal ang pahinga ko pilit ko iyong nilalabanan ngunit bago pa man ako makatayo ay nawalan na ako ng malay.

_________________________________________________________________________________________

Ipagpapatuloy!

a/n: Hypertrophic cardiomyopathy ay isang kondisyon na kung saan ang isang bahagi ng puso ay nagiging makapal nang walang halata sanhi. Ang mga resultang ito sa puso ay hindi gaanong magagawang magbomba ng dugo nang epektibo. Ang mga sintomas ay iba-iba mula sa wala sa pakiramdam pagod, binti pamamaga, at kakulangan ng hininga. Maaari din itong magresulta sa sakit ng dibdib o pagpipigil. Komplikasyon isama ang kabiguan sa puso, isang irregular na tibok ng puso, at biglaang kamatayan.


Ako Sayo Ikaw ay Akin (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें