Kabanata 1

6.1K 74 7
                                    

Sabi ng iba, walang panghabang-buhay at oo naniniwala ako roon dahil kung may panghabang buhay ay di sana walang namamatay. Maikli lang ang buhay, kung may gusto ka gawin mo, kung gusto mo ang isang tao, gumawa ka ng paraan kung paano mo siya makukuha.

Ano ba itong naiisip ko?

Ako si Natasha dalawampung taong gulang, wala ng pamilya, pero maswerte naman ako dahil mayroon akong kaibigang nag-aalaga sa akin. Oo nag-aalaga, dahil sa sakit na hypertrophic cardiomyopathy ang sakit na nakapagpahina ng aking puso. 

Sabi ng doktor ay mapagtatagumpayan ko lang daw ang aking sakit kung may magbibigay sa akin ng puso, ayoko namang kunin ang kanilang puso mas gugustuhin ko na lang na mamatay. Pero kahit ganoon ay nakakatakot pa rin mawala sa mundo. Hindi mo alam kung saan ka makakapunta.

"Natasha, hali ka na kain na tayo" tawag sa akin ni Sabrina iyong tinutukoy kong kaibigan ko kanina.

"sige papunta na" at tumayo na ako sa aking higaan.

Habang kumakain ay tinititigan ko lang aking kaibigan, nakahalata naman ata siya kaya napatingin siya sa akin. "o bakit ka nakatingin ng ganyan sa akin" tanong niya sabay subo ng pagkain.

"Naisip ko lang, pano kung mawala ako Sab sino na makakasama mo?" napatigil naman sya at bumalatay sa mukha niya ang lungkot pero inalis niya rin kaagad.

"ano ka ba hindi ka mawawala, makakahanap tayo ng puso para sayo" sabay hawak sa kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "kumain kana" at kumain na lang ako dahil alam ko kapag napag-uusapan namin ang sakit ko ay nalulungkot agad si Sab.

Pagkatapos kumain ay nagligpit na agad si Sab gusto ko pa sana siyang tulungan pero ang sabi niya ay magpahinga na raw ako, hindi naman ako baldado kaya okay lang tulungan ko siya. Pumasok na ako sa aking silid para magpahinga, ngunit naalala kong kakatapos ko lang pala kumain at masamang humiga kaagad.

Kaya nag-selpon na lang ako habang nakaupo sa may beranda, pagkatingin ko sa aking selpon ay alas diyes na pala, inopen ko muna ang mga nagmemensahe sa akin. Puro mga rp acc lang naman ito, wala naman kase akong totoong acc dahil ayoko isasara ko na sana ang aking selpon ngunit may nagmensahe sa akin.

Louis:Malalampasan mo yan, magtiwala ka lang sa panginoon :)


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ipagpapatuloy!


Ako Sayo Ikaw ay Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now