Kabanata 6

2K 37 0
                                    

Natasha's POV

Ilang linggo na rin simula noong nagpadala ako ng sulat kay Louis, pagkatapos noon ay hindi na ako nakatanggap ng sulat gaaling sa kanya. Gusto ko ng bumitaw ngunit may pumupigil sa akin na huwag muna.

Ilang linggo naring pagod si Sab dahil sa pag-aalaga sa akin, sa totoo lang ay nahihiya na ako dahil sobra na ang perwesyo ko sa kanya. Alam kong pagod na sya, pero hindi niya parin ako iniwan at sinukuan.

"Nat, pagod ka na ba?" natigilan ako sa kanyang tanong ngunit agad ding nakabawi.

"oo, gusto ko na ngang sumuko dahil ayoko ng nakikita kang napapagod ng dahil sa akin Sab" nanghihinang saad ko sa kanya at ngumiti.

"Nat sinabi ko na sayo noon na kahit ano gagawin ko para sayo, oo napapagod ako Nat pero hinding-hindi kita susukuan" maluha luhang sabi niya sa akin.

"Huwag kang mag-alala Sab hanggat may lakas pa ako hindi ako susuko" sabay punas ng luha sa kaniyang mukha, niyakap niya ako at humihikbi.

"ipangako mo sa akin na magpapagaling ka Nat, ikaw na lang ang pamilya ko ayokong mawala ka"" humihikbi niyang saad sa akin.

"pangako" at hindi ko na rin mapigilang mapaluha.

Nagpahinga muna ako dahil nanghihina ang katawan ko, kailangan ko na kase talagang maoperahan ngunit wala pang nahahanap na puso si Sab kaya hindi pa ako naooperahan. Hindi naman ako nagmamadali dahil alam ko isang araw ay may dadating din.

Sana.

Ako Sayo Ikaw ay Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now