Kabanata 10

1.7K 39 5
                                    

Simula nung makilala ko na ng personal si Louis ay palagi na niya akong dinadalaw, sa bawat araw na dumadaan ay palagi niya akong napapasaya at nakikita kong masaya siya sa ginagawa niya para sa akin, alam kong lumalaban din siya katulad ko pero heto siya pinapasaya ako.

"Louis, hindi ka pa napapagod sa panliligaw sa akin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa buwan.

"hindi, at kahit kailan hindi ako mapapagod hanggang sa sagutin mo na ako" nakangiting tugon niya habang nakahawak sa kamay ko.

"pano kung hindi pala kita sasagutin?" pagbibiro ko sa kanya.

"di hindi pa din ako susuko, kase kapag sumuko ako para ko na ring sinuko ang buhay ko" seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.

Ngumiti lamang ako sa kanya at tumingin ulit sa buwan, alam ko sa sariling mahal ko si Louis sa mga araw na lumipas ay minahal ko na sya at sa mga araw na dadarating ay mas mamahalin ko pa siya.

"Louis"

"hmm"

"Wala" naguguluhang napatingin siya sa akin.

"ano nga?" nakakunot ang kaniyang noo.

"masaya lang ako ng dumating ka sa buhay ko" nakangiti kong saad sa kaniya at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"ako din sobra"

"salamat" nakangiting sagot ko sa kanya.

natutuwa akong masaya sya sa piling ko kahit hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako dito sa mundo. Pinagmasdan ko lang siya habang nakatingin sa buwan.

"salamat natasha mahal na mahal kita" sabay yakap sa akin at humalik sa aking noo.

_______________________________________________________________________________________

Inggit yung author walang jowa!

Ako Sayo Ikaw ay Akin (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin