Kabanata 8

1.8K 34 0
                                    

Sabrina's POV

Habang pabalik sa ospital ay hindi ako mapakali, para bang may hindi magandang nagyari kaya binilisan ko ang pagmamaneho dahil wala pa namang kasama si Natasha sa kwarto niya. Pagkarating ko sa ospital ay tumakbo ako upang makapasok agad sa silid ni Natasha.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay nakita ko syang nahihirapang huminga, daali dali akong lumapit sa kaniyang habang umiiyak.

"Nat, anong nangyayari sayo? Doc, Tulong po .... Nat please huwag mo akong iwan" umiiyak na sabi ko habang patuloy na tumatawag ng doktor.

"Doon po muna kayo sa labas" sabi ng nurse sa akin.

Umiiyak lang ako nagdadasal na sana huwag muna, hindi pa ako handa na mawala si Natasha sa akin. Habang umiiyak ay may lumapit sa akin at inabutan ako ng panyo.

"Huwag kang mag-alala hindi siya mawawala" nakangiti sya habang sinasabi iyo at nakatingin kay natasha na nasa loob.

"s-sino ka?" habang patuloy na umiiyak.

"ako pala si louis" pagpapakilala niya sa akin habang nakalahad ang kanyang kamay.

"i-ikaw?" tumawa siya at tumango lang kaya nakipag-kamay ako.

"simula nung makilala ko siya palagi ko siyang sinasama sa dasal ko, alam ko kase ang sakit niya at isa din ako sa umaasang gagaling siya" kay natasha padin ang tingin niya.

"hindi ko na alam ang gagawin ko" at nagsimula na naman akong umiyak.

"ang magagawa mo lang ay magdasal at laging nandiyan sa kanya, darating ang araw na hindi na maghihirap si Natasha at mamumuhay siya ng  masaya"

_______________________________________________________________________________________________


Ako Sayo Ikaw ay Akin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon