"You just need to assume the right posture. Ganito. Just bend your knees then lower your backside to the ground and lean slightly forward in a comfortable squatting position then balance. Sa ganitong posture maiiwasan na matumba ka" she explained habang ipinapakita niya sakin how should I do it.


"Now you do it" sabi niya bago siya muling tumayo ng maayos.


I nodded my head and started doing what she taught me. I bend my knees and do the squat saka ako tumingin sa kanya.


"Is this correct?" tanong ko na medyo nakatingala sa kanya.


Hindi siya agad sumagot at halatang halata yung pagpipigil niya ng tawa. Hanggang sa hindi niya na napigilan at humagalpak na siya ng tuluyan. I furrowed my brows and squinted my eyes on him. Bakit ba siya tawa ng tawa? Ginaya ko lang naman yung ginawa niya.


"WHAT?!" inis na tanong ko.


"Sorry, sorry. Natuwa lang ako. Para ka kasing natatae dyan sa position mo eh" sagot niya in between laughters.


"Ano bang mali? Ginaya ko lang naman yung ginawa mo?" asar talong tanong ko sabay irap.


"Ganito kasi dapat..."


Nagulat ako ng bigla siyang nag skate papunta sa likuran ko then I now felt her hands holding my waist. Parang may kung anong enerhiya ang dumaloy sa katawan ko sa simpleng hawak niyang yun. Napalunok na lang ako nang bigla na namang kumabog ang dibdib ko. This is what I called Manoban's effect on me.


Inayos niya ang posture ko and I swear hindi nakakatulong how I can feel her body touching my back. Di ko maiwasang kiligin lalo na nang makita ko yung reflection namin sa glass panel. Para kasi siyang naka backhug sakin. Tapos sobrang bango niya pa. Nakakabaliw.


"Stay like that then balance lang Kim" bulong niya sa kanang tenga. I can feel her hot breath on my ear and her lips almost brushing on it na naging dahilan ng pagtindig ng balahibo sa buong katawan ko.


Fuck you Manoban and your effect on me!


I was so engrossed on my feelings kaya hindi ko na napansin na nasa harapan ko na pala siya ulit. She lifted my chin up and made me look at her then she hold my hands.


"Let's go?" she asked with a smile plastered on her face.


I bob my head and hold onto her tight.


"Ow I almost forgot. You should walk like a duck pala. Parang ganito oh" she showed me how to do it and I chuckled on how cute she looks while doing it.


Ginaya ko ulit yung ginawa niya hoping that this time hindi niya na ko pagtawanan. I put my heels together while my toes pointed out and begin slowly walking forward. Pero siyempre, may support niya pa rin. Nakahawak pa rin ako sa mga kamay niya ng mahigpit.


"Tama ba?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa mga paa ko.


"Yes that's right. Now eyes on me, Kim" utos niya na agad ko namang sinunod.


We started moving at ilang sandali pa ay nagagamayan ko nang balansehin ang sarili ko.


"Mabilis ka naman palang matuto eh" she complimented.


"Ako pa ba?" pagyayabang ko.


Nginitian niya ko ng nakakaloko. Yung ngiting parang may masamang binabalak. Hanggang sa marealized ko kung ano yung pinaplano niya ng bigla niyang ibinaba yung tingin niya mula sa mga mata ko papunta sa magkahawak naming mga kamay. Don't tell me...


"Sa tingin ko kaya mo nang magisa" she blurted out with a mischievous smile on her face.


Nanlaki ang mga mata ko ng unti unti niyang bitawan ang mga kamay ko.


"No! No! No! Hindi ko pa kaya Lisa!" I shouted.


"You can do it Kim!" pagchicheer niya sakin habang dahan dahang nagseskate patalikod at palayo sakin.


"Hindi! Hoy bumalik ka dito. Sinasabi ko sayo pag ako nahulog! Lisa naman kasi!"


Nagsisimula na kong magpanic pero ang loka imbes na balikan ako tinatawanan lang ako.


"Kaya mo yan!" sigaw niya ulit.


Tinignan ko siya ng masama hoping na matatakot siya pero walang epek. Hanggang sa biglang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Wait, hindi pala siya sakin nakatingin kundi sa likod ko. Kahit sobrang nanghihina, sinubukan kong lumingon sa likuran ko at biglang nanginig yung tuhod ko nung ang isang binatilyo na nagseskate patungo sa pwesto ko. Sobrang bilis ng andar niya na parang walang ibang tao dito sa rink kundi siya lang. May isinesenyas siya pero hindi ko maintindihan. Parang gusto niya kong paalisin sa pwesto ko. Hanggang sa narealized ko na lang yung gusto niyang mangyari nung marinig ko yung sigaw niya.



"TABI!!!!"


Hindi ako nakakilos dahil sobrang nanginginig yung katawan ko at nanlalambot yung tuhod ko. Totoo pala yung mga nangyayari sa movie. Yung hindi ka agad makakakilos kapag nakita mong malapit ka nang mabunggo ng sasakyan. That happened to me once nung nagpapalaboy laboy pa ko sa kalsada. The memories of my past came crashing in. Muntik na rin akong masagasaan noon but thankfully I was saved by Tita Belle. Sa sobrang takot ko, wala na kong nagawa kundi pumikit na lang at hintayin ang pagbangga nung binata sa katawan ko.


But that scene never came...


Instead, I found myself in someone's embrace. I can feel strong arms on the back of my head and the other one on my back hugging me tightly. My eyes were closed and the fear I am feeling earlier had vanished because of the familiar comforting scent I smelled. My head is now burried on the chest of the person who saved me and I can hear her heartbeat beating fast while her body is moving up and down for catching her breath. Then suddenly, I can feel her hands cupping my cheeks making me look at her.


"Are you okay?" she asked.


I opened my eyes and was welcomed by a worried eyes. I nodded my head and tried my best to stop my tears from falling.


"You can cry" she said.


Pinilit kong magmukhang malakas at itago ang takot ko but I failed. The tears escaped my eyes at hindi yun nakawala sa paningin niya.


"Natakot ako. Sobrang natakot ako" I confessed.


I was never a person na nagpapakita ng kahinaan ko but with her I think it's okay. Wala naman sigurong mawawala kung magiging mahina ako kahit ngayon lang. So, I cried. I cried so hard in front of her. Then I was taken aback when I felt her warm lips against my forehead. Nagulat ako but I easily felt soft with her action kaya I closed my eyes to feel the moment. Her lips are very comforting. Nawalang bigla lahat ng takot ko.


Kung ganito naman, magpapabunggo na lang ako palagi.


"Thank you" I smiled when I opened my eyes. We are now looking at each other's eyes.


"Sabi ko naman sayo sasaluhin kita eh"

Bad Chick [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon