Chapter 37

114 2 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa inasal niya. Okay pa naman siya kanina. Maayos pa nga siyang nakapagpaalam sa akin papunta sa trabaho. Hindi ko siya maintindihan. Ano kaya kung may nangyari sa trabaho? Maayos naman ang trabaho niya. May nakaaway ba siya?

Naiinis akong umakyat papunta sa kwarto ko. Nagbihis muna ako para malamigan ang buo kong sistema. Bumaba din ako pagkatapos  kong magbihis. Naghanda ako ng makakain. Alam kong mainit ang ulo ni Edge. Pero ayokong maging mainit pa ang ulo niya kapag wala pang pagkain. Kailangan din niyang kumain para mag subside ang init ng ulo niya.

Kahit hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagiging mainitin niya ay binalewala ko nalang. Umakyat ulit ako sa taas para tawagin siya. Kumatok muna ako sa pinto ng kwarto niya at saka tinawag ang pangalan niya.

"Edge? Edge? Kakain na. Lumabas ka na diyan."

Tinawag ko ulit siya ngunit walang sumagot. Hindi nakalock ang pinto miya kaya pinihit ko ito para makapasok ako. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Madilim ang kanyang kwarto na tanging ang lampshade lang ang bukas.

"Edge?"

Lumapit ako sa kama niya. Nakahiga siya sa kama at nakatalukbong ng makapal na comforter. Nakasilip ang kanyang mukha pero nakapikit na siya. Nakatulog na siya. Huminga ako ng malalim. Bahala siyang magutom diyan. Hindi ko siya inutusang magsungit.

Bumaba ulit ako dahil nagugutom na ako. Kumain nalang akong mag-isa sa hapag. Kung gusto niyang magutom. Fine. Wala naman akong kasalanan kung mamatay siya sa gutom. Tinawag ko naman siya. At wala din akong kasalanan sa kanya. Ngayon lang siya nagkaganito. Hindi siya nagagalit ng walang rason.

Sa totoo lang ay wala akong ganang pumasok ngayon. Pero kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay kailangan ko paring pumasok. Ilang araw palang ako sa trabaho kaya dapat ay hindi pangit ang record ko sa trabaho.

Bumangon ako sa kama na nakasimangot. Tatlong araw na akong hindi pinapansin ni Edge. Naiinis ako at nag-aalala rin. Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay para lang akong hangin sa kanya. Hindi niya ako napapansin kahit pa magdabog ako sa kanyang harapan. Nag-aalala din ako dahil baka nga wala na siyang interes sa akin. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kapag wala na nga. Siya pa naman ang naging first boyfriend ko. Nakakapanghinayang.

Nag-umpisa na akong mag agahan na hindi pa rin siya kasama. Kapag nasa baba ako ay nasa itaas naman siya. Kapag nasa itaas din ako ay nasa baba naman siya. Hindi na naging makulay ang araw ko dahil unti-unti na itong nababalutan ng lamig. I felt disappointed. Nakakadisappoint ang ganitong buhay na napili ko.

Kahit matamlay ang araw ko ay pumasok pa rin ako. Nauna akong lumabas kay Edge. Nag taxi nalang ako kaysa makisabay sa kanya. Kung mainit ang ulo niya ay hindi dapat ako nakikisabay nun.

Sa trabaho ay naging maingat ako sa lahat. Ang problema ay hindi dinadala sa kung saan. Kung sa bahay ay sa bahay lang.

Umupo ako sa gilid dahil nakaramdam ako ng ngawit. Kanina pa ako tayo ng tayo. Hindi marami ang customer namin pero naging abala ako sa pag-aayos ng mga bulaklak. Ang akala ko ay okay na ang mga inayos ko kahapon pero hindi pala. May dumating na delivery galing sa Consolacion.

Consolacion.

Kapag naiisip ko ang Consolacion ay nanlulumo ako. Kailan kaya ako makakapunta doon? Sabik na akong makaalis sa lugar na ito at makapunta doon para maisagawa ko na ang plano ko. Kapag mag-isang linggo na hindi pa rin humuhupa ang init ng ulo ni Edge o di kaya ay hindi niya pa ako pansinin ay aalis na ako. Ganun ako eh. Ayokong maging sagabal sa kanya. Kung ayaw niya edi ayaw ko na rin. Hindi siya magiging kawalan sa akin. Pero mabuti nalang at may  experience na rin ako sa pagbo-boyfriend. Salamat nalang sa kanya.

FADE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon