Chapter 8

163 5 0
                                    

Nakatanaw lang siya sa akin habang panay ang tanggal ko sa dumi na nasa kamay ko. Hindi niya tinanggal ang kanyang tingin hanggang sa matapos na ako sa paglilinis. Hindi ko alam kung maiirita ba ako. Pero nasanay na ako sa kanya. Sa kilos niya na parang ililipad na ng hangin sa kalamyaan.

Winisik ko ang kamay ko para matanggal ang ilang tubig. Kumuha din ako ng panyo sa bulsa ko.

"Ahm..h-heto...ggamitin mo nalang itong panyo ko." Linahad niya sa akin ang puting panyo niya.

Umiling ako sa kanya. "Hindi na kailangan. May panyo naman ako kaya ito nalang gagamitin ko. Bakit? Hindi ka ba maghuhugas ng kamay?" Tanong ko sa kanya.

"M-maghuhugas." Mahina niyang sabi.

"Iyon naman pala. Gamitin mo nalang yan." Sabi ko.

Tinalikuran ko na siya. Pero bago ako tuluyang umalis ay nakita ko ang disappointment sa kanyang mukha. Hindi ko nalang ito pinansin at pumasok na sa loob ng greenhouse. Hinayaan ko na siya sa labas.

Kinuha ko ulit ang gamit na naiwan ko dito sa loob ng greenhouse. Hindi na ako magtatagal pa dito sa greenhouse. Nawalan na ako ng gana na magbasa pa dito sa loob.

Lumabas ulit ako sa greenhouse. Nakita ko pa ang lalaki na abala parin sa paghuhugas. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa. Para saan naman yun? Hindi ko naman siya kilala.

Umalis na ako at pumunta sa library. Doon ay nagpatuloy ako sa pag study. Nagtagal ako ng isa't kalahating oras. Umaga pa lang naman at nakakatamad umuwi ngayon. Makakatulog na naman ako.

Sayang din ang oras pero nais kong magpahinga ng matagal para ma energize ang katawan ko. Sa ngayon ay tama na muna ang pagoover-study. Marami narin akong naimbak na mga knowledge sa utak ko. Oo nga at kailangan kong mag-aral pero kailangan ko ring magpahinga. Sa mga susunod na mga araw nalang ulit ako mag-aaral.

Nabulabog ang pagtulog ko nang maramdaman ko ang mabigat na pakiramdam. Parang may nakatingin sa akin. Minulat ko ang aking mga mata.

Tama nga ang hula ko. May nakatingin nga sa akin. Minulat ko ang aking mga mata. Sa akin nakadikit ang tingin ng lalaki na palagi kong iniiwasan. Iniiwasan ko nga siya pero hindi sa paraan na gaya nung kay greenie.

Siya ay nakapatong pa sa kamay ang mukha niya at titig na titig siga sa akin. Napalundog siya nang makita akong gising at sinasagot ang kanyang tingin sa akin. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

Walang akong emosyon na pinakita sa kanya.

"Ano?"

Mabilis siyang umiling at kaagad na tumalima. Inayos niya ang kanyang sarili at mabilis na umalis.

Iniwan lang akong mag-isa sa library. I knotted my brows. Ang weird talaga niya.

Bitbit ang bag ay umalis na ako sa library. Pero bago ako makalabas ay hinarangan ako ni tiya Helen. Hindi ko mapigilang mapasimangot sa kanya. Nandyan na naman siya at hindi ako tatantanan.

"Nagpasalamat ka na ba kay Mr. Deagan?" Tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga kilala ang Mr. Deagan na sinasabi niya. Noong naaksidente ako ay hindi ko naanigan ang itsura niya. Alam kong lalaki siya pero hindi ko nakilala ang itsura. Ngayon ko lang narinig ang Mr. Deagan na yan.

"Tiya, hindi ko naman kilala siya e. Atsaka...diba matagal na yon?"

Pinalo niya sa braso ko. Napa-igik pa ako sa sakit. Ang bigat naman ng kamay ni tiya.

"Diba sinabihan na kita kung ano ang itsura ni Mr. Deagan." Umiling ako. Wala akong matandaan. "Hay naku..iyong may makapal na salamin at may malaking bag. Siya yun."

FADE Where stories live. Discover now