Chapter 36

120 3 0
                                    

Lumabas ako ng bahay na hindi nagpapaalam kay Edge. Wala kasi siya sa bahay dahil nasa trabaho na siya. Ayaw niyang naghahanap ako ng trabaho dahil siya nalang daw ang kakayod para sa aming dalawa. Para na talaga kaming mag-asawa. Nasanay siyang uuwi ng bahay at may pagkain na sa hapag.

Sa totoo lang ay nakakabagot ang buhay na nandito lang sa bahay. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa paglipat namin ng lugar. Kaya lang ay ang hirap at hindi madaling gawin yun lalo na't dito na siya lumaki at nandito rin ang mga alaala ng mga yumao niyang mga magulang.

Nais ko na sanang asikasuhin ang lupang bibilhin ko sa Consolacion. Nakakahiya kay Hugo kung hindi ko maasikaso yun agad. Gusto ko ng ipagpatuloy ang gusto ko. Nahihiya man ako kay Edge na sabihin ay ipagpapatuloy ko nalang ng patago. Nakakainis. Hindi ko manlang alam kung ano ang gagawin ko.

Naghanap ako ng trabaho sa mga flower shop na nadadaanan ko. Mabuti nalang at marami pa ang may bakante bilang florist. Natanggap agad ako. Okay na ang mga ganito basta may pera ako kahit kunti. Ayokong umasa kay Edge. Sa pera niya at sa ginagastos niya para sa akin. Kaya ko rin mag trabaho. Kapag malaman niya na may trabaho na ako ay hindi na niya ako mapipigilan pa.

Nagsimula agad ako pagkakinabukasan sa trabaho. Hindi pa ako nakakaalis sa bahay ay ang nakabusangot na Edge ang sumunod sa akin pababa ng hagdan. Nakabihis na ako at syempre ay ready na ako para magtrabaho.

"Bakit ka ba magtratrabaho sa flower shop na yun kung kaya ko namang magtrabaho ha."

"Kaya ko ring magtrabaho Edge. Hindi naman ako lumpo na dito lang sa bahay maglalagi."

"Alam ko yun. Kaya nga ako nagtratrabaho diba para hindi ka na magtrabaho." Ang kulit lang ng lalaking ito. Sabi ko nga na magtratrabaho ako para may magawa naman ako.

Tamad akong lumingon sa kanya.

"Edge. Anong gusto mong gawin ko dito sa bahay? Magmukmok hanggang sa maagnas ako?" Sarkastiko kong saad.

Nagpakamot kamot siya sa kanyang ulo.

"Gusto ko lang naman na hindi ka na magtrabaho. Paano kung pareho tayong pagod tapos mawala na tayo ng oras pareho kapag sobrang busy na tayo."

Napakamot ako sa aking pisngi sa sinabi niya. Ang haba ng nguso niya samantalang ako ay halos kurutin na siya sa sobrang OA. Hay naku!

Lumapit ako sa kanya at kinurot siya sa tagiliran. Ang OA niya talaga. Minsan ay wala ding preno ang kanyang bibig kapag nagsisimula ng magsalita.

"Ang bibig mo talaga. Alam mo ba na kaya ako nag-aral para makapagtrabaho at magamitan ang pinag aralan ko? Ang bobo mo talaga." Saad ko.

Napakamot siya sa kanyang leeg. "Ito naman oh. Nagsasabi lang ako ng bawal at hindi bawal."

Napalingon ako sa kanya.

"Anong sabi mo?" Nakataas ang kilay ko.

"Ang sabi ko ay bawal kang magtrabaho at hindi bawal ang lambingin ako."

Nanlaki ang mga mata ko at susugurin ko na sana siya nang kumaripas siya ng takbo palayo sa akin. Nanggigil akong napakuyom ng kamay at mariing sinuklay ang buhok ko.

Sabay kaming umalis ni Edge. Kahit parang bata siya na nagta tantrums ay hinayaan ko nalang. Ngingiti lang ako kapag bumubulong bulong siya.

Binuksan ko ang pinto ng shotgun seat. Ngunit hindi pa ako nakakalabas ay pinigilan niya ang braso ko. Nakasimangot pa rin siya ng binalingan ko siya.

"You don't really need to do this babe. Kaya ko namang magtrabaho para sa atin." Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa lalaking ito. Kapag hindi ako makapag trabaho ay ano naman lang ang gagawin ko?

FADE Where stories live. Discover now