Chapter 6

185 5 0
                                    

Ilang araw bago ako naka-get over sa pagkahulog ko sa hagdan. Mabuti nalang at nagsiuwian na ang mga tao sa campus kaya hindi masyadong nakakahiya ang pangyayari na iyon. Palagay ko ay bukod kay Tiya Helen, ang lalaki lang na iyon ang nakakita sa akin. Kanina ay nagbago ang isip ko na humingi ng salamat sa lalaking iyon. Abala siya sa ginagawa niya kaya hindi ko siya malapitan at makausap.

Kapag tinamaan na ako ng kasumpungan ay hindi ko na magagawa yun. Si Tiya ay palagi akong tinutulak palapit sa taong yun. Kaya hindi na ako lumalapit sa library dahil ayokong pilitin na naman ako ni Tiya Helen na magpasalamat sa lalaking yun. Pinagtitingan tuloy ako ng mga tao doon sa library kapag pinagtutulukan ako ni Tiya papunta sa kanya.

Nakapagpasalamat na nga siya kaya bakit ba ako magpapasalamat ulit. Apat na araw na akong hindi pumupunta sa library. At apat na araw na rin akong hindi nakakapag study ng mabuti. Kailangan ko ng libro. Apat na araw na rin akong nagtitiis sa mga notes ko.

Kaya ngayon ay nagtitiis din ako sa init ng araw dito sa school ground. Maayos naman akong nakakapag-aral dito kaya lang ay mainit. Ginamit ko ang manipis na notebook ko para gawing pamaypay. Kung hindi lang sa kakulitan ni Tiya ay nasa library na sana ako at masayang natutulog. Kung hindi man ay nagbabasa na ako.

Napailing-iling ako. Si Tiya Helen talaga.

Pumunta ako sa isang bench na nasa ilalim ng puno. Maganda ito dito dahil may mahangin at hindi masyadong mainit. Linagay ko muna ang notebook ko sa loob ng bag atsaka tumingin sa mga naglalaro ng football.

Sa totoo lang, hindi talaga ako nakatingin sa mga naglalaro. Malayo ang tingin ko. Ang prinoproblema ko ay ang biglang pagtawag sa akin ni mama. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko. Pero baka pinilit niya si tiya na hingan ng numero ko. Gusto niyang magkita kami sa malapit na coffee shop dito sa school. Siguro akong urgent ang yun. Hindi ako personal na makikipagkita sa akin si mama kung walang kailangan.

Ganun naman talaga siya sa akin. Tatawagin niya lang ako kung may kailangan siya. Kung wala ay wala talaga.

Hindi naman ako ang pinapaboran niya na anak. Ang half sister ko ang palagi niyang kasa-kasama sa kahit saang okasyon o ano pa man. Kapag ako naman ang kasama niya ay kinakahiya niya lang ako. Ang sarap sigurong manumbat no. Ang saya sigurong manampal ng nanay. Pero hindi ko yata magagawa yun. Pinalaki ako ng lola ko na may takot sa nakakatanda. Pero mawawala lang iyon siguro kong hindi rin ako galangin ng mama ko.

Sana nalang pinamigay niya nalang ako sa tatay ko para naman hindi ako naghihirap ng ganito. Pero kapag nangyari nga yun ay baka hindi ko rin makilala ang taong mahalaga sa buhay ko. Hindi manlang ako hinintay ni lola na maabot ang ganitong buhay ko. Mahirap nga sa ngayon pero sa susunod na mga panahon ay makakaahon din ako.

Kahit kailan ay hindi kakailanganin si mama sa buhay ko. Bibisitahin ko lang siya sa bahay nila kapag matanda na siya at hindi na nakakakita pa.

Umahon ako sa kinauupuan ko. Malapit na ang sunod kong klase kaya pupunta na ko sa classroom.

Umabot ng dalawang oras ang huli kong klase. Tinignan ko ang oras sa phone ko. Late na ako sa tagpuan namin ni mama. Panigurado ay nag-aapoy na iyon sa galit. Dali-dali akong umalis sa school. Naglakad lang ako papunta sa coffee shop na sinasabi ni mama.

Papalapit na ako sa shop na iyon ng matanaw ko siya. Nakapwesto na siya sa gilid. Klarado ko siyang nakikita dahil salamin naman ang wall ng coffee shop. Mabilis akong pumasok sa loob. Hindi ko maipagkakaila na natatakot akong harapin si mama. Takot nga ako sa kanya, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ako lalaban.

Lalaban parin ako para hindi niya tapak-tapakan ang pagkatao ko. Parang hindi anak ang turing niya sa akin. Para lang kong isang basahan na kayang itapon kung lunod na lunod na sa dumi. Pero hindi ko muna iyon gagawin kung hindi niya ako simulan. Naiinis man ako sa kanya sa pag-iwan sa akin. Pero nanay ko parin siya.

FADE Où les histoires vivent. Découvrez maintenant