Chapter 10

159 3 0
                                    

Nanginginig siyang lumapit sa akin. Lalapit-lapit pa siya na alam naman niyang natatakot siya sa akin. Nakayuko pa siya.

"May kailangan ka?" Matabang ko na tanong sa kanya.

"G-gusto ko lang sanang...makausap ka."

"Ano bang tawag mo dito sa ginagawa natin? Diba nag-uusap na tayo?" Sabi ko.

Ang mga daliri niya ang pinaglalaruan niya. Hindi parin siya makatingin sa akin.

"Ano ba ang sadya mo sa akin?"

"P-pwede mo ba akong tulungan?" Namumula niyang tanong sa akin.

Wow. Ang lakas ng loob niyang manghingi ng tulong sa akin. Ano ba ang maitutulong ko sa kanya eh pwede naman sa iba nalang siya humingi ng tulong. Mayaman naman siya.

"Bakit sa akin ka humingi ng tulong?" Tanong ko sa kanya.

At nag-angat na nga siya ng tingin sa akin. Napaawang ang kanyang labi sa sinabi ko. Duh! Totoo naman. Sa akin pa talaga siya humihingi ng tulong kung tutuusin ay pwede siya sa iba manghingi.

"W-wala akong...ibang malapitan kundi...i-ikaw lang." Mahina niyang sabi.

Maniniwala ba ako sa kanya? Kapag tanggihan ko siya ay baka ma-konsensya lang ako. Napakamot ako sa pisngi ko. Nakakainis naman.

"Ano ba yun?" Nagliwanag ang mukha niya sa sinbi ko. Ang kanyang mga mata ay kitang-kita ko ang saya. Kahit pa man nakasuot siya ng makapal na eyeglass.

Napalunok muna siya bago sinabi sa akin ang kailangan niya.

"Manghihingi sana ako ng tanim na rosemary sayo...diba, pwede naman kayong kumuha ng mga tanim dito? N-naisipan ko na...sayo nalang ako humingi...tutal ay palagi ka namang nandito." Marahan na sabi niya.

Natigil ako sa sinabi niya. So pinagmamasdan pala niya ako dito. Kada pagdadalaw ko dito ay palagi niya pala akong sinusubaybayan. Ayos ah.

Huminga ako ng malalim. Sige nalang. Kung gusto niyang humingi ay pagbibigyan ko nalang siya para lubayan niya ako.

"Kumuha ka ng gunting." Utos ko.

Agad naman siyang humaluglog sa mga gamit niya sa malaki niyang bag. Natawa pa ako sa aking isipan nang makita siyang hirap na hirap kunin ang gunting na nasa ilalim pala.

Bumaling ako sa ibang direksyon para hindi ko mailabas ng tuluyan ang tawa ko. Nakakaawa pa naman ang itsura niya kapag pinagtatawan siya.

Kasi naman. Para sa kanila na palaging pinagbubuntungan ng bullying ay nakakasakit na iyon. Masisi ba niya ako kung maging ganun ako? Pero huwag siyang mag-alala. Hindi naman ako mambubully sa kanya.

Hindi pa ba?

Inabot na niya sa akin ang gunting niya. Natagalan pa iyon dahil nahirapan siyang kunin iyon. Pumunta na ako sa mga herbal na mga nakatanim at hinanap ang rosemary. Ilang tangkay ang binigay ko sa kanya.

Linagay niya sa tissue ang mga tangkay.

"S-salamat." Mahina niyang hingi ng pasalamat sa akin.

"Teka. Ano ba ang gagawin mo diyan?" Tanong ko.

Bumaling siya sa akin. Tapos ay tinignan niya muna ang halaman bago bumaling ulit sa akin.

"Diba medical student ka?"

Umiling siya. "Hindi."

Napakunot ang noo ko sa kanya. Sinabi sa akin ng kaklase ko na medical student siya.

"Culinary ang kinuha ko. May humingi kasi sa kanya na med student kaya ang akala niya ay pareho din kami ng kurso." Sabi niya sa mahina na tono.

Hindi na ako nagtanong pa sa kanya. Tumango nalang ako. Tinitigan ko siya. Nag-iwas kaagad ako ng tingin ng tumingin siya sa akin. Binalik ko na sa kanya ang gunting at nagpasya ng umalis.

FADE حيث تعيش القصص. اكتشف الآن