Chapter 21

107 4 0
                                    

Nakatulog ako sa panunood ng tv. Pero bumaba muna ako para i-lock ang pinto sa baba. Ang susi naman ay linagay ko sa ilalim ng paso ng tanim kong white daisy. Tinext ko din si Edge para malaman niya na nakalock ang apartment ko at para makapasok siya ay kunin niya nalang ang susi.

Nagbihis muna ako bago nagtalukbong ng kumot.

Saglit lang ako nakatulog dahil nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Nakailang call pala si Edge sa akin. Tapos may message pa siya sa akin na nakapasok na daw siya sa bahay. Binaba ko ang cellphone ko at linagay ko ulit sa lamesa sa tabi ng kama ko. Alas kwatro palang ng hapon ah. Ang aga naman nila ngayon.

Natulog ulit ako para mamaya ay makapanood ako ng bagong pelikula. Magmo-movie marathon ako para ma-refresh ang utak ko. Diyos ko kasi, ang dami kong ginagawa lately na mga project kaya hindi ako nakakakain ng maayos. Puro ako project doon, project dito. Magtatapos narin kasi ang klase kaya todo parusa ang mga professor namin.

"Haven?"

Naalimpungatan ako sa boses ni Edge. Minulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Edge. Ano naman ba ang nagawa ko? Bakit nag-aalala siya ng ganito?

"Anong oras na?" Nag-inat ako ng braso at tumalikod sa kanya. Sa bintana ako humarap.

"Oras na para kumain ka. Alas syete na." Sagot niya.

Ganun ba? Humarap ako sa kanya.

"Dapat tinawagan mo nalang ako para hindi kana umakyat dito sa taas. Trespassing itong ginawa mo." Garalgal kong sabi.

Umupo muna ako sa kama bago tumingin ulit sa kanya. Nangingislap ang kanyang mga mata at may malademonyong ngisi sa kanyang labi. Tinaasan ko siya ng kilay. Nung nangyari sa kanya? Sinaniban ba?

"Trespassing ba? Nakapasok na nga ako kanina dito ngayon ka pa ba aangal?"

"Kanina yun. May permission naman yung kanina. Eh yung ngayon, wala na."

Nagkasalubong ang dalawang kilay ko nang lumapit siya sa akin. Pinagitnaan niya ang dalawang paa ko ng kanyang mga braso na nakatukod na sa kama. Tinapatan ko lang ang titig niya dahil kung magpatalo ako ay talo talaga ako sa kanya.

"Paano yan, nakapasok na pala ako. Hindi mo kaagad ako mapapaalis."

Bigla akong kinabahan sa tono ng kanyang pananalita. Kinabahan kaagad ako. What the hell? Wala akong ideya sa mga pinaggagawa niya. Kapag may mangyari talagang masama sa akin. Susunugin ko talaga ang lahat ng sa kanya pati narin ang kaluluwa niya. Linapit niya pa ang mukha sa akin. Nakangisi siya kaya sa tingin ko ay pinaglalaruan lang ako ng letsugas nato.

Kumapit ako sa kumot. Mahigpit na mahigpit para bakasaling gumalaw siya ay itatalukbong ko sa kanya ang kumot at tatakbo kaagad ako. Sounds brilliant idea, pero ang stupid ko naman para gawin yun. Edi syempre makakaalis siya kaagad.

"Lumayo ka sa akin kung hindi ay idedemanda kita. Nag-trespassing kana tapos ngayon ay rape naman." Humalakhak siya.

"Rape? Hindi naman kita gagahasain. Kung willing ka naman na you know...pwede yun. Pero ang gahasain ka? Never. Baka hindi na ako makapasok sa puso mo kapag ginawa ko yun." Aniya.

Ilang saglit lang kaming nagkatitigan pero ako ang unang bumawi. Bumaba ako sa kama at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Nanrambulan na naman kasi ang puso ko. Hindi na mapakali ang mga nerve cells ko.

"Hindi ka naman talaga makakapasok sa puso ko. Ang laki mo kaya at kasing laki lang ng kamao ang puso ko." Wala na akong mailalabas pa na salita kaya yun nalang ang nailuwas ko.

"Ang pag-ibig ay walang hugis o sukat o anyo. It's shapeless like air. Minsan ay wala din itong kulay..sa umpisa palang. Pero kapag dumikit na sayo ang pag-ibig ay mararamdaman mo nalang ang init at doon ay unti-unti ng magkakakulay ang buhay mo. And to tell honestly, it's magic. Love is magic, love gives us color. At saksi ako dun. Dahil itong nararamdaman ko sayo ngayon ay parang ganoon na nga."

FADE Onde histórias criam vida. Descubra agora