Chapter 9

143 2 0
                                    

Pinadikit ko ang huling sticker na natira sa may notebook ko. Umagang-umaga ay ito ang ginawa ko. Naglista ako ng mga importanteng detalye para sa araw ng exam. Mamaya na ang exam namin. Excited akong mag-take ng exam dahil sa wakas hindi ko na iisipin pa iyon. Sa susunod na exam naman ang pro-problemahin ko.

Ang mga nailista kong bagay ay hindi na masyadong importante at hindi naman nai-discuss ng instructor namin. Pero mabuti na ang handa. May mga teachers pa naman na mahilig mag-surprise.

Err. You know what I mean.

Napabuntong hininga ako nang matapos ako sa pagpapadikit. Kinuha ko ang suklay sa tabi at sinuklay ko ang buhok ko. Hinanda ko na ang mga gamit ko para maka-alis. Kapag araw ng examination, kailangan ay hindi ka kabado. Relax kalang dapat at hindi ka na dapat nagbabasa pa para hindi ma-distract ang utak.

Natapos na ako sa pagsusuklay at binaba ko na ang suklay. Inayos ko ang bag ko na para isukbit sa likod. Huminga ulit ako ng malalim. Ang sarap ng gising ko kanina. Walang ingay akong narinig galing sa mga kapit-bahay ko. Basta maaliwalas ang gising ko.

Umalis na ako sa apartment at tahimik na sumakay papunta sa school. Pagdating ko doon ay himala na tahimik ang buong paligid. Nagsimula na siguro ang exam ng ilang mga estudyante. Mga isang oras pa naman bago magsimula ang exam ko kaya pumunta nalang muna ako sa favorite spot ko dito sa campus.

Sa isang bench na nasa ilalim ng puno. Marahan akong umupo doon. May mga tao naman dito sa field. Pero nabibilang lang. Ang iba ay nag-aaral para sa mga exams nila. Pero kung may mga interesado na makakuha ng maayos na grades, may iba naman na hindi interesado. May nagdedate at yung iba ay panay ang cellphone. Subagay ay mangongopya nalang sila sa mga kaklase nila. Katotohan naman yun. Ang mangopya.

Ang iba ay diyan nabubuhay sa pangongopya. Mabuti nalang at masipag akong mag-study kaya hindi ako kagaya nila. Hindi ako matalino kaya kailangan ay maging matyaga ako sa pag-aaral.

Hindi na ako nagbasa ulit ng mga notes ko. Baka magkalat lang ang mga inimbak kong mga sagot.

Ilang oras lang ay pumasok na ako sa loob ng classroom namin. Saktong pagpasok ko ay wala pa ang prof. Umupo ako sa pinakadulo sa may tabi ng bintana. Mabuti ng dito ako umupo dahil para makita ko ang mga kaklase ko sa harap. Kung ano ang mga pinaggagawa nila. Anim palang kami na nandito sa loob. Ang iba siguro ay baka nasa cafeteria o di kaya ay nasa library.

Ang pinaka-ayos dito ay karamihan sa amin na mga botanist ay masipag mag-aral. Kahit hindi marami ang kumukuha ng kursong ito ay may iba pa din na gusto itong kunin. May ilan pa naman na mahilig sa mga halaman.

Sa labas ng bintana ako bumaling ng tingin. Tila hindi maganda ang lagay ng panahon ngayon dahil makulimlim ang langit. Uulan yata. Malas ko naman dahil wala akong dalang payong. Ang masaklap pa ay wala talaga akong payong. Hindi kasama sa budget ko ang pagbili ng payong. Para saan pa at madali naman akong nakakasakay kung saan ko gustong pumunta.

Kaya hindi ako bumibili ng payong eh.  Dagdag lang yan sa bigat ng bag ko. Ang dami ko ng payong na nasira. Atsaka hindi rin ako mahilig gumamit nun.

Biglang tumunog ang bell. Hudyat na natapos na ang exam ng iba. At kami ay magsisimula palang. Pumasok na ang prof namin. Pagkatapos ng exam na ito ay may sunod pang isa. Bukas pa ang isa kong exam kaya pwede na akong umuwi mamaya.

Nang mapunta na sa akin ang test paper ko at answer sheet ay walang pag-atubili akong nagsimula. Ang una kong sinagot ay iyong mga alam ko.

Sa wakas ay natapos na akong mag-sagot. Binigay ko ang test paper ko sa prof namin. Ilan palang kaming natapos kaya hindi pa kami madidismiss kaagad. Bumalik muna ako sa pwesto ko at tumingin ulit sa labas ng bintana.

FADE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon