Chapter 5

199 5 0
                                    

Malakas kong binalibag ang kamay niya. Umaray naman siya pero kaagad ulit tinakpan ang bibig ko. Kailan ba ako lulubayan ng lalaking ito? Kahit humingi na ako ng sorry sa kanya, hindi ibig sabihin nun nakikipag-kaibigan na ako sa kanya. Ayoko paring makipag-close sa ibang tao. Lalo na kung hindi ko talaga kilala ng husto.

May narinig akong may bumalibag sa pinto ng banyo. May iilan din na sunod-sunod na mga yapak ang pumasok sa loob. Malalim ang naging paghinga ng lalaking nagtakip sa aking bibig. May namumuong pawis sa kanyang noo pero agad niya itong pinunasan gamit ang isa pa niyang kamay.

Nanlaki ang mata niya ng kumalabog ang pinto ng katabing cubicle. Napalingon siya dun. Nanginginig ng ang kanyang katawan na tila natatakot siya. Wala sa sarili ko siyang hinawakan. Nanlaki ang kanyang mga na bumaling sa akin. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin.

Mas lumalapit ang mga yabag ay mas tumitindi ang takot niya. Hindi ko alam kung ano ang kailangan sa kanya o di kaya ano ang atraso sa kanya.

May sumigaw sa katabing cubicle. May naistorbo yata ang mga entremetido.

"Ahhhh, bastos!

"Ahhh!"

"Walang modo!! Ang babastos!"

Sigaw ng mga nasa loob ng cubicle. Siguro binuksan nila ang pinto. Sa sigaw ng mga babae palang ay agad ng lumabas ang mga entremetido. Mga lalaki siguro ang pumasok. Gusto ko na sana silang sigawan dahil para naman ito sa mga kababaihan. May banyo nga na para sa mga kalalakihan kaya bakit hindi sila pumasok doon?

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ng lalako sa likod ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit kaya sa kidami-daming kababaihan sa campus na ito ay ako pa ang linapitan niya. Marami namang mga babae dito ah.

Padabog na umalis ang mga tao sa loob ng banyo kaya nagpasya akong lumabas. Liningon ko ang lalaki. Napaatras siya sa bigla kong paglingon sa kanya. Nakakatawa ang itsura niya. Ni minsan ay hindi pa ako natawa sa itsura ng tao. Ngayon palang. Kinagat ko ang aking dila para pigilan ang pagtawa ko.

Pinaglaruan niya lang ang kanyang kamay at doon lang nakatingin. Napakunot ang noo ko. Ang yaman-yaman niya tapos ay ganito ang itsura niya. Magulo ang buhok at gusot na gusot ang suot niyang uniform. Hindi naman siya yung tipo ng lalaki na habulin ng mga babae kaya ba't ganyan ang itsura niya.

Tumikhim ako. Umangat naman siya ng tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Comfort room ito ng mga babae kaya anong utak ang mayroon ka at dito kapa pumasok. Hindi ba may banyo naman kayong mga lalaki kaya bakit hindi ka nalang dun pumasok." Nanginginig pa ang kanyang bibig ng magtangkang magsalita.

Nang aakma na siyang magsalita ay tinaas ko ang aking kamay para patigilan siya.

"It's okay. Huwag ka ng magsalita. Alam ko naman na wala akong makukuhang matinong sagot mula sayo." Napayuko siya sa sinabi ko. " Sige na. Lumabas ka na dito. Baka may pumasok pa dito at baka ano pa ang maisip nilang kabaliwan sa atin." Tinuro ko ang pinto ng banyo.

Walang sabi-sabing lumabas siya kaagad. Kinuha ko nalang ang bag ko sa washstand at lumabas na.

Dumiritso ako sa labas para umuwi na. Sa apartment nalang ako siguro mag-aaral ng notes ko. Pampatay lang ng oras. Wala naman akong ibang gagawin. Tapos narin akong mag general cleaning. Actually, every Saturday ay naglilinis naman ako ng buong apartment.

Pag-uwi ko ng bahay ay saka ko lang naalala ang package na natanggap ko noon. Nagtanong ako kay Tiya Helen kung may kilala ba siyang B.P ang pangalan. Dinala ko sa bahay niya ang package at pinakita iyon. Umamin siya sa akin na nakikipagkita ang papa ko sa kanya para kumustahin ako. Sinabi ni Tiya na gusto daw akong makita ng papa ko.

FADE Où les histoires vivent. Découvrez maintenant