Chapter 10

9 1 0
                                    

Chapter 10

It's friday.

Habang nag lalakad ako sa Hallway papuntang Cafeteria, panay ang ang usapan ng mga ka department ko tungkol sa foundation day, namove kasi ito next next week pati narin ang exam na move nadin.

Panay tingin ng ibang estudyante sakin  kasi ako sa mga napili sa department namin sa gaganapin na Ms. Foundation Day, ganto kasi ang nagyari kaninang umaga.

Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ko pumasok na ang adviser namin. Pumalakpak sya para makuha ang mga atensyon namin.

"Okay Section A, namove ang Foundation day natin next next week dahil may dinagdag na Event ang SSG, ito ang tinatawag nilang Ms. Foundation Day." sabi ni Mrs. Hamak, nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko ang iba naman ay nagsimangutan dahil na move ang foundation day.

"So, kung sino man ang napili nating candidate dito sa room ay ipanlalaban muna sya sa ibang section na nasa architect department bago iharing Ms. Architect, and then ang escort ay kukunin sa Engineering Department." Natahimik kami iniisip kung sino ang ipanlalaban."So sino ang ipanlalaban natin?" tanong ni maam bigla akong nakaramdam ng kaba, nung paisa isa silang sumulyap sakin, parang alam ko na kahihinatnan neto ah.Tinuro ako ng isa kong kaklase. "Ma'am si Savannah nalang po!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Wala naman akong karanasan dyan at tyaka para sa mga magaganda lang yan. Rule number 1: Be Humble.

"Oo nga po ma'am!"

"Oo nga ma'am maganda naman si Savannah tyaka matalino eh!" tumingin sakin si maam at ngumiti.

"So Ms. Buenaventura I'm expecting you in  Art room okay?" napanganga ako sa sinabi nya, minsan makapal mukha ko pero wag naman ganto, hindi pa nga ako pumapayag eh.

"P-pero ma'a-" hindi ko na natuloy yung sasabhin ko dahil pintol nya.

"May dagdag grades din 'to Ms. Buenaventura and you win a cash prize" sabi nya, napaisip naman ako sa sinabi nya dagdag grades din yon huhu.

I sighed, signed of defeated. "Yes po."

"Sumunod ka sakin, nandon na daw ang ibang candidate." sabi ni maam. Sumunod namna ako sa kanitya hanggang sa makarating sa Art room kung saan mamimili muna.

"Okay bago natin umpisahan 'to Attendance muna." Sabi nung baklang teacher.

"Anne Kilabot?" Sabi ni sir Fusa. Nagtaas naman yung babaeng nasa dulo, pinagmasadan ko siya, in fairness maganda din sya.

"Josefa Paniki?" nagtaas naman yung isang babae na black beauty. Nagsunod sunod yun hanggang sa matawag ang pangalan ko.

"Savannah Buenaventura?" nagtaas ako ng kamay at napatingin sila sa akin na may namamanghang tingin, diko nalang sila pinansin."Let's start, ang gagawin niyo lang ay rarampa ng dalawang beses at sa pangalawang beses niyo ay iikot kayo bago pumunta sa harapan namin at magpapakila na kayo, okay?" tumango kaming lahat.

Bali Sampo kami dito, sampo kasi yung section sa department namin.

Naunang rumampa si Anne, in fairness magaling din sya rumampa kaya lang nung sa pangalawang rampa niya, natapilok siya kaya nagtawanan ang iba, tumayo ito at ngumiti at nagpatuloy.

"I'm Anne Kilabot, 20 Years old, at kapag ako ang rumampa siguradong kayo ay kikilabutan, and I thank you!" masigla nitong sabi kaya nagatawanan kami.

"Oo kinilabutan nga kami ng natapilok ka, Bruhang 'twoh! Next!" sabi ni Sir. Fusa, tumawa lang ulit kami, tumigil lang nung rarampa na si Josefa.

Rumampa siya ng pagkabongga bongga.

"I'm Josefa Paniki, 19 years old, Maitim man ako sa inyong paningin sisiguraduhin kong magliliwanag ako kapag ako ay inyong pinili, and I thank you!" sabi ni josefa, tinignan ko yung mukha ni sir fusa, at natawa ako dahil sa mukha niyang hindi maipinta.

TBS#1: The way he said GOODBYE [On going]Where stories live. Discover now