Chapter 16: Let the GAMES begin

10 1 0
                                    



Chapter 16

"Good Morning, Farnatians!!! So this is the 20th foundation day of University of Farnate, so hindi ko na papatagalin pa handa na ba kayo?!!" tanong ng speaker sa taas ng stage, na nasa bandang gilid ng field. Sabay sabay naman sumagoot ng "YES!!" ang mga kalahok, kasama na kami don. Nakinig kami sa sinasabi ng emcee para sa unang laro.

"Okay katulad nga ng sabi ko kanina hindi ko na papatagalin pa, the first game issss!!!, tug of war!!" napatayo kami ng maayos sa unang laro, kahit alam nanamin, pinaliwanang niya aprin para sa mga hindi pa nakakaalam, mag lalaban ang unang dalawang grupo na mabubunot,ganon din sa pangalawang grupo, kung sino ang manalo sa dalawang grupo yun ang mag lalaban sa final na tug of war. "Okay gets niyo ba?!" sabay sabay ulit na sabi ng "YES".

May lumapit na isang senior, may dala itong box nasa hula ko ay naglalaman ng pangalan ng team namin, nilusot ng emcee yung kamay niya don sa butas nung kahon, may sound effect pang nalalaman.

"Ang unang dalawang grupong mag lalaban ayyyyy"

"Pa-suspense pang nalalama--Aray!" sabi ni kiel kaya siniko ko siya, mahina lang naman, sadyang maarte lang 'tong bakla.

"First team!! Yellow team!!" nagpalakpakan naman yung mga taga first year, pumunta na sila don sa pwesto sa gitna tumayo sila don sa dulo ng rope. "At ang makakalaban niyo ay!!" nilabas ng emcee yung kamay niya at pinakita ang maliit na bola na kasing liit ng ping pong ball na may kulay. "Ang Green Team!!" nagpalakpan din ang mga tao, pumunta din ang pangalawang grupo sa kabilang dulo ng rope. Obviously, makakalaban namin ang third year.

Nagsimula ang laro, lumalamang ang green team, dahil anim ang lalaki dito at apat na babae, sa yellow team naman ay limang lalaki at limang babae, kaya dina ako mag tataka kung susubsob ang mga mukha ng yellow team sa field, at hindi nga ako nagkamali dahil nanalo ang green team.

Nagsihiyawan ang mga taga suporta ng green team pati ang ibang studyante, tinulungan naman ng green team makatayo ang yellow team.

"The winner is Green team!!!" muling nag palakpakan, sumunod na tinawag ang team namin at ang team ng kabila, kay pumwesto na kami sa magkabilang dulo, si lorenz ay sa pinakahulihan dahil siya ang malaki ang katawan samin sa bandang gitna kami ni jan sa unahan naman ay yung ibang kagrupo namin bali ganito yung position.

Kiel | Troy |James| Anne| Justine| Ark |Jan| Me| Carlos| Lorenz

Bumilang ng tatlo at pumito yung nag babantay samin senyales na umpisa na ng laban agad namin hinila pataas yung rope at hinila papunta sa amin, sa kabilang grupo ay parehas lang pala kami ng bilang ng mga lalaki at babae, kaya parehas malalakas ang hatak pero hindi kami magpapatalo syempre, may premyo daw 'to eh.

"Ako nahihirapan na ako dito sa unahan ah kapag ako na bwiset!" narinig naming reklamo ni kiel sa unahan.

"Sino ba kasing nagsabi sayong pumunta ka dyan sa harapan?!" Sigaw ni James.

"Para kita ang kagandahan ko dito 'no!", balik sigaw nito napailing nalang kami, at mahinang natawa.

Dumaan pa ang ilang segundo at minuto, halos parang patas parin ang laban, pero hindi parin kami nag patalo isang malakas na hila mula sa amin at sabay sabay kaming bumagsak sa field, yung kabilang grupo naman ay nahatak at medyo sumobsob sa field, buti nalang talaga at madamo 'to at may pagkamalambot. Napangiti ako nung nanalo kami, pero agad ding napasimangot ng maalalang may isa pang laban.

Nagsihiyawan at nag palakpakan ang mga tao at sinigaw ang pangalan ng banda nila carlos, nakaupo parin ako at akmang tatayo na ako ng may nag abot sa akin ng kamay, tiningala ko nag may arai ng kamay at nagiwas ng tingin ng mapagtantong si carlos ang nag aabot, namumulang tinaggap ko ang kamy niya at marahan tumayo.

TBS#1: The way he said GOODBYE [On going]Where stories live. Discover now