Chapter 9

1 0 0
                                    


Chapter 9

Nagising ako dahil sa mga ingay sa paligid ko, minulat ko ang mga mata ko at nagising sa isang hindi pamilyar na silid, tumingin ako sa gilid ko at tinitigan ang taong unang nadapuan ng mga mata ko ilang segundo ang lumipas ng unit unti kong makumpirma na si carlos yon, na baksa ang pag aalala.

"Nasan ako?" tanong ko at pilit na umuupo. Tinulungan naman nya ako.

"Wag ka nga munang gumalaw ng gumalaw, tsk. nasa clinic ka ng school." inis na sabi nya.

"Anong nangyari?"

"Hindi mo naaalala? Hinimatay kalang naman po dahil sa taas ng lagnat mo." Singit ni Jan doon ko lang napansin na nakatingin pala sila sakin.

"Ba't hindi mo sinabi samin na ganon na pala kasama ang nararamdaman mo mula kanina?" I turned my gaze on carlos, I stared at him and he looks pissed.

"Akala ko po kasi kaya ko, uminom na kasi ako ng gamot kanina." sabi ko sa kanya.

"Tss. bahala ka nga." sabi nya at tumayo at naglakad pa alis. Napatingin ako sa mga kasama ko pero nakatingin lang sila sa akin na parang sinasabing yari ako.

"Tsk, kanina pa nagaalala yon nung tanghali nung sinugod ka namin dito." Sabi ni Justin na napapaqiling pa sunod sunod namang tumango yung mga kaibigan namin.

I sighed. "Anong oras na ba?" tanong ko.

"6:18 Pm" nanlaki naman ang mga mata ko, at nagmamadaling tumayo.

"Hey, Hey chill pinagpaalam ka na namin." pigil nila sa akin, umiling lang ako, tatayo na sana ulit ng pigilan nila ako ulit.

"Pinagpaalam ka nanamin okay? pwede ka daw mag quiz bukas." Sabi ni Jan. Tinitigan ko lang sila at bumuntong hininga.

"Fine." napahinga sila ng maluwag sa sinabi ko, kaya bahagya akong tumawa, para silang mga anak na mapapagalitan ng magulang kapag hindi ako nabantayan.

"Tawa ka ng tawa dyan yari ka kay master senpai, kanina pa nag aala-" hindi na ituloy ni Ark yung sasabihin nya nung pumasok yung school nurse.

"Oh gising kana pala Ms. Buenaventura. Okay naba ang pakiramdam mo?" sabi nung nurse.

"Medyo okay naman na po."

"Hindi kaba kumakain lately?"

"Kumakain naman po ako pero minsan isang beses sa isang araw po, kasi may pinapabilis saming plates." sabi ko at tumango tango ito.

"Kaylangan mong bumawi ng lakas, tyaka wag masyadong papastress okay?"

"Okay po, thankyou." sabi ko. Tumagal muna kami doon ng ng mga isang oras bago kami umalis, kinuha narin nila ang gamit ko.

Pag labas namin ng clinic nakita namin si carlos na naghihintay sa labas, tulala at tila malalim ang iniisip.

"Oh bro ano ginagawa mo dyan? akala namin umuwi kana." sabi ni ark. inismiran nya lang ito at nauna ng naglakad. Napakamot naman sa buhok si Ark at nagkibit balikat.

Sinundan namin si carlos hanggang sa makarating kami sa parking lot, hindi na ako nagpapasundo kay kuya magno kasi nakikisabay nalang ako kay Kiel, hinahatid nalang nya ako tuwing papasok ako.

Huminto sya kaya huminto din kami, Humarap sya samin kaya napaatras kami. Tinaasan nya kami ng kilay tila nagtatanong kung bakit kami umatras.

Lumapit sya kay Kiel at kinuha ang gamit ko.

"T-teka saan mo dadalhin yan?" tanong ko sinamaan niya lang ako ng tingin sabay hawak sa pulsuhan ko at walang sabing iniwan namin ang mga kasama namin lumingon ako sa kanila at nakitang nakangisi sila at yung hintuturo nila ay umaatras abante, kinunutan ko sila ng noo pero kumaway lang sila.

TBS#1: The way he said GOODBYE [On going]Where stories live. Discover now