Chapter 15: Foundation Day "Horror House"

4 0 0
                                    

Chapter 15

Day 2 ng foundation day ay nag kayayaan ang ga kaibigan ni carlos na pumasok sa horror house, bigla nalang din kasi kaming hinila sa booth namin ni jan na kinagulat namin, at buti nalang wala kami masyadong ginagawa kaya nag paubaya lang kami, maayos naman ang takbo ng booth namin dahil lahat kami desedido na maparami para sa charity na napagalaman kong madaming bata ang nando-doon. So yun nga hinila kami nila carlos pa punta sa horror booth nila.

Nag-aayos ako ng mga gamit ng booth namin dahil parami ng parami ang mga bumibisita sa booth namin lalo na sa photo booth, ng bigla may humatak sa kamay ko at walang sabing hinila ako palabas ng booth, tumingin ako sa may hawak ng kamay ko at bahagyang kumabog ang dibdib ko na mapagtanto na si carlos ang may hawak, lumingon ako kay Jan, at nakita kong hatak hatak din ito ni Ark. Pagkalabas namin ng booth nakita ko sila Justin, troy, james at si kiel, na kung hindi mo alam na bakla pagkakamalan mong isang bruskong lalaki sa posturaa niya, napailing nalang ako sa mga pinag gagagwa ng mga tukmol na 'to.

"Sandali nga sandali" sabi ko kay carlos, nung nakahito na kami, "Ba't niyo ba kami hinila ni jan ha? Ano nanamang trip niyo?" sabi ko sa kanila.

"Oo nga, mga depungal kayo." sabi ni Jan sa tabi ko na inis na inalis ang pagkakahawak ng kamay ni ark.

"Sorry na." hingi ng tawad ni James pero tumawa, "Punta tayo ng horror house eh maaga pa naman para sa palaro mamayang ala-diyes" dag-dag na sabi niiya.

"Oo nga tyaka anong oras palang oh. Mag a-alas-nuwebe palang naman savannah." sabi naman ni Justine

"At tayaka savannah, jan wag kayong mag alala sa booth niyo dahil paniguurado naman na kayo parin ang mananalo." sabi ni Troy

"Tyaka savannah, marami kayong members sa club niyo kaya wag na kayong mag-alala na matatalo o mapapabayaan booth niyo." sabi naman ni Ark.

"Oo nga savannah babe, mag saya naman tayo kasi bukas halos kalahating araw tayong mag prapractice para sa Ms. Foundation na gaganapin sa Thursday." sabi ni carlos, na hindi ko pinansin yung pagtawag niya ng babe nasasanay narin ako sa pag tawag niya kasi mula kahapon na mai "kasal" kami, halos walang oras na hindi niya ako tinatawag ng 'savannah babe' o 'babe' na pailing nalang kami ni jan sa mga pinagsasabi nila, napatingin naman kaming lahat kay kiel na walang imik.

"What?" may pag tataka at may pagkamataray na tanong niya sa amin.

"ikaw? Baka may sasabihin kapa, para makumbinsi kaming sumama sa plano niyong mga depungal kayo?" mataray na saad ni jan, meron siguro 'to. Lihim akong natawa sa isip ko, baka madamay ako eh.

"Ano pa sasabihin ko? Tyaka hinila lang din nila ako don 'no nag hu-hunting ako ng mga boys kanina eh bigla akong hinila." pairap na saad ni kiel. "At tyaka sumama na kayo ang aarte niyo." dagdag pa nito at umirap, natawa nalang kami sa pinagsasabi niya.

Pumunta nga kami sa booth nila carlos, at habang papunta don, napapansin ko ang mga estudyante na napapasulyap sa gawi namin na conscious tuloy ako kung may dumi ako sa mukha, bumaling ako kay Jan na katabi ko.

"Jan, may dumi ba sa mukha ko?" nakakunot noong tanong ko sa kaniya, at bahagya pang pinakita sa kaniya yung mukha ko. Napailing naman siya, at tinuro ang kamay ko, taka akong tumingin don at bahagyan namula yung mukha ko ng marealize kong magkahawak pala yung kamay namin ni carlos, sinubukan kong kunin pero katulad ng magkahawak kamay namin at kapag tinatry kong bumitaw mas lalong lang niyang hinihigpitan ang hawak.

Nandon nanaman yung feeling na parang ayaw niya akong pakawalan. Pinabayaan ko nalang dahil masarap din naman sa feeling na hawak niya I feel secure all of a sudden.

Parapaan ka savannah ah? Sabi ng bahagi ng isip ko.

Pagkarating namin don sa horror house, ay pumila muna kami para makabili ng ticket, may mga naririnig akong tilian, hindi naman ako ganon katakot, yung design ng horror house ay parang sa mga perya medyo malaki 'to makikita mo sa gilid ng entrance na may mapa don mula sa entrance at hangggang sa exit, at hindi mawawala si kiel na maharot, na excited na pumasok sa horror house baka daw kasi may makita siyang multo na gwapo, napailing nalang kami sa pinag sasabi niya.

TBS#1: The way he said GOODBYE [On going]Where stories live. Discover now