Chapter 1

31 4 0
                                    

Chapter 1

Nagising ako sa isang katok sa pintuan ng kwarto ko. diko 'to pinansin. maya maya pa kumatok nanaman at may kasama ng pagtawag.

"Sav gising na!" narinig kong sigaw ni nana lordes. unti-unti kong inangat ang ulo ko, nakatulog pala ako sa harap ng laptop ko, tinatapos ko kasi yung thesis namin sa Math. tuluyan akong umayos at nag inat kahit inaantok pa, malapit na kasi mag end ang first sem exam pa sa susunod na buwan.

"Opo nana lordes!" sigaw pabalik ko at kinuha na ang tuwalya ko na nakasabit sa kabinet ko, pumasok na ko sa Cr dala ang cellphone ko, nakasanayan ko na kasi kapag naliligo ako dinadala ko ang cellphone ko at nagpapatugtog.

______________

Had to have high, high hopes for a living

Shooting for the stars when I couldn't make a killing

Didn't have a time but I always had a vision

Always had high, high hopes

Had to have high, high hopes for a living

Didn't know how but I always had a feeling

I was gonna be that one in a million

Always had high, high hopes

______________

"Always had high high hopes hmmm" habang naliligo sinasabayan ko ang kanta habang umiindak pa, sa banyo ko lang napapakita ang totoong ako kapag nasa labas kaylangan perfect ka, kapag nagkamali ka kahit isang beses, pupunain kana. Pagtapos kong maligo nagbihis nako ng high fitted jeans and black fitted t-shirt eto ang lagi kong trip na suotin, mabibilang mo pa sa daliri mo ang makikita mong dress sa cabinet ko dahil sa mga binibili ni mom para sa mga formal occasion.


Naglagay lang ako ng powder sa mukha ko at tapos na, hindi ako nag liliptint kasi mapupula naman labi ko. Pagtapos kong mag ayos kinuha ko na ang mga gamit ko nilagay ko na ang laptop ko sa bag nito dahil dadalhin ko para dun ipagpatuloy. Pagbaba ko nadatnan ko si nana lordes na nag wawalis sa living room namin.


"Morning nana Lordes." tawag pansin ko dito at ngumiti ng humarap sa akin.


"Goodmorning din Sav nasa dining table na ang mommy at daddy mo." sabi nya sakin, tumango nalamang ako at nagmadaling pumunta sa hapag kainan, dahil ayaw ni daddy na pinaghihintay ang hapag kainan.


Pagdating ko don nakita kong may kausap si daddy sa phone si mommy naman ginagawa sa laptop nya, both of my parents are Doctor, si Dad neurologist and my Mom is a Cardiologist, at ang tinatake ko ngayon ay Architecture, buti nga pinagbigyan nila ako sa kursong gusto ko dahil ang gusto nilang kunin ko ay ang pagdodoctor, Pero may kapalit kapag natanggal ako sa deans lister ipapadala nila ako sa States at dun pagaaralin ng Cardiologist like mom. Humalik ako sa kanilang mga pisngi at bumati.


"Goodmorning Dad, Mom" bati ko pero tinanguan lang nila ako at patuloy parin sa mga ginagawa nila.


I sighed, they always like that, everytime na makikita ko sa anumang sulok dito sa bahay namin kung hindi man hawak ni Dad ang phone nya hawak naman nya ang Laptop nya at kung hindi naman hawak ni mommy ang laptop nya, phone or mga mga kaso ng mga pasyente nya.


Pagkaupo ko doon lamang sila tumigil sa mga ginagawa nila at nagsimula ng kumain, tahimik lamang kaming kumakain ng basagin ni Dad ang katahaimikan.


"Savannah are you still on the top?" he asked. saglit akong natigilan sa tanong nya.

"Yes Dad." kaswal kong sagot. Gusto ko ang kursong kinuha ko, at buti pumayag sila, akala ko nung una hindi sila papayag dahil family of doctors kami,      Iniispoiled din nila ako, pero hindi ako ganong ka- spoiled ang tanging gusto ko lang naman ay mga libro.

TBS#1: The way he said GOODBYE [On going]Where stories live. Discover now